Photo credit to Jason Exiomo | Facebook |
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng netizen at may-ari ng lisensya, na si Jason Exiomo, ang naging pag-uusap nila ng lalaking nakapulot diumano sa nawala niyang driver's license.
Photo credit to Jason Exiomo | Facebook |
Photo credit to Jason Exiomo | Facebook |
Ani Exiomo, laking gulat raw niya ng sabihin ng lalaki na kailangan niyang tubusin ang kanyang lisensya sa halagang isang libong piso.
Noong una, akala raw niya ay nakatagpo na siya ng good samaritan at nagmagandang loob itong i-message siya upang isauli ang nawawalang lisensya. Nagtanong pa ito kung magkano ang tubos ng lisensya sa LTO at kung taga saan siya.
Photo credit to Jason Exiomo | Facebook |
Photo credit to Jason Exiomo | Facebook |
Lubha naman ang gulat ni Exiomo sa hiling ng lalaki dahil imbis na tumulong ay nais pala siyang pagkaperahan nito. Minsan na rin daw siyang nakapulot ng lisensya ng iba at isinoli ito ng walang hininging kapalit.
Galit din niyang sinabi na hindi siya magpapauto rito at hindi niya tutubusin ang lisensya dahil mayroon siyang 'duplicate' nito at kahit kailan ay kaya niyang kumuha ng isa pang duplicate dahil sa LTO siya nagtratrabaho.
"Di namn ako ganto nung nagsoli ako nang license. di pala pagsoli intension mo kundi pagkaperahan anong tubusin LTO ba kayo para tubusin ko sa inyo di nyo ko mauuto mga inutil. carlos damayo pagaspas", aniya.
Photo credit to Jason Exiomo | Facebook
|
Bigla namang dumipensa ang lalaking nakapulot at sinabing napagutusan lamang siya ng isang kaibigan na ipatubos ang lisensya ni Exiomo at ibinaba na lamang ang tubos sa halagang P500.
Ngunit hindi pa rin pumayag si Exiomo at sinabing irereport na lamang niya na may nakapulot ng kanyang nawawalang lisensya ngunit pinapabayaran sa kanya ang tubos nito. Sinabi rin niya na mayroon siyang pruweba dahil kanya ng na'screenshot' ang 'conversation' sa pagitan nila.

Sa huli ay nagkasundo sila na huwag ng isoli ang lisensya dahil ayon kay Exiomo, hindi niya ito babayaran at ok lang na hindi na ito maibalik sa kanya.
Photo credit to Jason Exiomo | Facebook |
Aniya, ngayon lang siya naka-encounter ng mga taong inuuna ang panglalamang sa kapwa at imbis na isipin ang makatulong ay gugustuhin pang pagkakitaan ang iba.
Kanya ring ipinost ang larawan ng lalaki na isa pa lang security guard, kaya naman inulan ito ng napakaraming galit at negatibong komento mula sa mga netizens dahil imbis na magsilbing gabay at inspirasyon sa iba ay kabaligtaran ang inasal nito.
Source: Jason Exiomo | Facebook