Kung Dati ay Nagrerenta lamang ng Skateboard sa Halagang P50, Margielyn Didal isa ng World's Sweetheart sa Skateboarding - The Daily Sentry


Kung Dati ay Nagrerenta lamang ng Skateboard sa Halagang P50, Margielyn Didal isa ng World's Sweetheart sa Skateboarding



Photo credit to Balita Online

Sadya naman nakakaaliw at kinagigiliwan ngayon, hindi lang ng buong bansa, kundi ng buong mundo ang Pinay skateboarder na si Margielyn Didal.

Nakuha niya ang ikapitong puwesto sa women’s street skateboarding sa 2020 Olympics na ginanap sa Ariake Urban Sports Park sa Tokyo, Japan nitong Hulyo 26.

Hindi man niya nasungkit ang gintong medalya, ang 22-year-old skateboarder na tubong Cebu City ay nakamit naman ang mataas na respeto at paghanga ng lahat dahil sa 'positive attitude' nito na talaga namang nakaka-'good vibes'.



Photo credit to Balita Online

Photo credit to Balita Online

Ito ay matapos magviral ang kanyang mga larawan na mistulang nag 'photobomb' sa kuha ng ibang atleta na talaga namang nagpapakita ng kahanga-hangamg 'sportmanship' at suporta sa pagkapanalo ng kanyang mga katunggali.

Maging ang 'all smiles' na larawan niya ay umani ng positibong komento sa mga netizens dahil hindi man niya nakamit ang gintong medalya ay makikitang masaya pa din ito at buong pusong ipinagdiwang ang panalo ng iba.



Photo credit to Balita Online

Photo credit to Balita Online

Photo credit to Balita Online

Subalit lingid sa kaalaman ng karamihan, sa kabila ng mga tamis na ngiting ipinapakita ni Margielyn ngayon ay dumaan din ito sa lubos na pagsubok sa buhay noon.

Mahirap lamang ang kaniyang pamilya noon. Ang kanyang tatay ay isang karpintero habang sidewalk vendor naman ang kanyang nanay.

Ngunit ayon kay Margielyn, hindi naging hadlang ang kahirapan ng buhay upang abutin niya ang kanyang mga pangarap.



Photo credit to Balita Online
 
Noon pa man, mataas na ang kaniyang mithiin na makamit ang tagumpay sa larangan ng skateboarding.

Kaya naman, tinutulungan noon ni Margielyn ang kanyang nanay sa pagbebenta ng dyaryo at minsan ay nagbabarker ito. At sa mga kinikita nila doon ay nagtatabi siya palagi ng singkwenta pesos para mayroon siyang pang renta ng skateboard.

Nagsimula daw siya magskateboard noong siya ay 12 years old at napagbuti ang kanyang talento sa skateboarding sa streets at shopping malls sa Cebu.

Kwento niya, madalas raw ay hinahabol sila ng pulis at security sa malls dahil bawal mag skate doon.

"Hinahabol kami ng pulis ng security ‘pag may nakikitang nag-i-i-skate,“Minsan ‘pag nasa mall ‘pag may hawak na skateboard bawal nang pumasok.", ani Margielyn.

Dagdag pa niya ang 'skateboarding' diumano ay isang normal na pakiramdam lamang sa kanya. At kapag ginagawa niya ito, feeling 'super cool' siya at lumulutang sa ere.

Nakita rin daw niya ang skateboarding bilang paraan sa pagtakas mula sa kanyang problema, dahil ang sport na ito ay nangangailangan ng buong atensyon kaya naman nakatulong ito upang makalimot sa hirap ng buhay na pinagdaanan nila.

At mula nga noon ay nagtuloy-tuloy na ang kanyang tagumpay at maswerteng nakilala ang kanyang naging coach at manager.

Matatandaang nakamit ni Margielyn ang gintong medalya noong 2018 Asian Games women’s skateboarding street event. Bukod sa medalya, nakatanggap siya ng incentive na nagkakahalaga ng P6 milyon mula sa gobyerno at public patrons na talaga namang nakatulong ng malaki sa kanyang pamilya.

Hiling din niya sa sana ay magkaroon na ng maayos na skatepark sa bansa para maibahagi niya sa iba kung gaano kasaya ang skateboarding at maging inspirasyon sa mga kabataan na nais din sumabak sa parehong larangan.



SourceBalita OnlineScoutmag Ph