Isang pamilya, nagulat nang makita at malaman ang laman ng lumang bag ng yumaong ama. - The Daily Sentry


Isang pamilya, nagulat nang makita at malaman ang laman ng lumang bag ng yumaong ama.



Kung ating mapapansin, madalas tahimik at malalim ang iniisip ng isang haligi ng tahanan. Ito ay dahil lagi nilang inaalala ang kapakanan ng kanilang pamilya, lalo na kapag sila ay namaalam na.

Hindi man nila gustuhin, tiyak na darating ang panahon na maiiwan nila ang kanilang pamilya. Kaya habang malakas pa, pilit na pinaghahandaan ng ating mga ama ang kinabukasan ng kanilang pamilya.




Tulad na lamang ng kwentong ibinahagi sa atin ni Dy Dela Paz tungkol sa kaniyang tatay. Aniya, maging sa huling hininga nito ay kapakanan nila at ng kanilang pamilya ang tanging iniisip ng kaniyang ama.

Nang ito'y ay pumanaw, malaki ang perang kinakailangan para sa mga gastos gaya ng pagpapaburol at pagpapalibing dito, bagay na lubos na pinoproblema ng pamilya nila Dy kung papaano makakalikom ng sapat na halaga.

Dy Dela Paz | Facebook

Dy Dela Paz | Facebook


Ngunit isang lumang bag ang napansin ng pamilya, ang lumang bag ng kanilang yumaong ama na kahit na marumi at hindi na kanais-nais ang hitsura, ay matatandaang labis itong iniingatan at pinapahalagahan ng kanilang itay.

Ayon kay Dy, kahit saan magpunta ang ama ay bitbit bitbit lagi nito ang nasabing lumang bag. Kaya naman naging misteryo ang laman nito para sa pamilya.

Dy Dela Paz | Facebook

Dy Dela Paz | Facebook


Laking gulat na lamang nila ng ito'y kanilang buksan at nakita ang sandamakmak na salaping laman nito.

Tumataginting na 205,000 libong piso ang halaga ng perang nakuha nila Dy mula sa lumang bag. Labis labis na ito para mabayaran ang pagpapaburol at pagpapalibing sa kanilang ama at hindi na nila ito kailangan pang problemahin.

Dy Dela Paz | Facebook


"Grabe ang bigla namin pare pareho ng nakita namin ang inipon mong pera tay. Kaya pala lagi mo sinasabi kay nanay na wag ng mag withdraw sa banko dahil may pera kang tinatago. Sabi mo kay nanay hanapin mo ang wallet ko alam ko may tinago akong pera. Hindi namin alam na ganun kalaki ipon mo tay."

Dy Dela Paz | Facebook


Marami ang nakiramay at humanga sa pagiging masinop ng tatay ni Dy. Ang pagpapakita nito ng suporta at dedikasyon upang mabigyan sila ng magandang buhay ay nagbibigay ng isang halimbawa na ang bawat ama ay iniisip ang kapakanan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Nawala man ang "haligi ng tahanan" hindi naman nito hinayaang mahirapan ang mga naiwanan nito at sinigurado na kahit papaano'y mayroon silang perang magagamit na panimula, upang harapin ng mga ito ang bagong bukas.

Source: Dy Dela Paz