Screencap photos from News5 |
Paano na lang kung ang pinaghirapan mong pera na inipon mong sweldo mula sa pagtatrabaho ng ilang dekada ay mawawala lang sa isang iglap dahil sa mga budol budol gang?
Yung perang inaasahan mong magagamit mo pagdating ng panahon na ikaw ay magre-retire na upang may magamit ka sa panahon ng pangangailangan, lalo pa at ikaw ay matanda na.*
Sa balita ng News 5, isang senior citizen na babae ang muntik nang mabiktima ng mga hinihinalang miyembro ng "budol-budol gang" sa Anonas, Quezon City.
Ayon sa Kuwento ng biktima, na kinilalang si lola Lourdes Pascua, 78 na taong gulang, papauwi na sya sa kanilang bahay nang may lumapit sa kanyang babae at nagtatanong kung saan ang malapit na grocery.
Dahil sa nais makatulong ng matanda, agad nyang sinabi na malapit lamang ang grocery. Nagpasama pa umano ang nasabing babae kay lola lourdes para ituro ang nasabing grocery.
Pagkasakay sa sasakyan, nakita ni lola Lourdes na may anim na kasama ang babae at ipinakita sa kanya ang isang katerba umanong dolyares at nagpatulong ito sa kanya kung papaano papalitan ng peso.
At dahil tila nawala na sa wisyo ang matanda, inalok sya ng mga suspek na kung pwedeng sya na lamang ang magpalit ng mga dolyares. *
Screencap photos from News5 |
Pumayag naman ang matanda at bumalik sila sa kaniyang bahay upang kunin ang kanyang passbook. Tiningnan pa umano ng mga suspek ang libreta ng matanda at nakita ang malaking halaga na inipon nito mula sa 30 taon na pagtatrabaho bilang kasambahay.
Ani ng mga suspek, dodoblehin nila ang laman ng kanyang libreta na nagkakahalaga ng P200,000 at gagawin itong P400K.
Pumunta sila sa bangko upang widrawhin ang laman ng bank account ni lola Lourdes. Ngunit sa kabutihang palad, hindi alam ng mga suspek na kilalang regular na kliyente si lola sa nasabing bangko.
Agad na nagduda ang mga guwardiya ng nasabing bangko, at kanilang ipinagtataka ay kung bakit napakalaking halaga ang wiwidrawhin ng matanda at sa labas pa umano ng bangko nagsusulat ng bank widrawal slip si lola Lourdes at ang mga di kilalang babae na kasama ng matanda. *
Screencap photos from News5 and ABS CBN News |
Salamat na lamang at alerto ang mga gwardia at mabilis itong tumawag sa barangay at inalerto ang mga pulis na naka-duty sa nasabing lugar.
Nakatunog ang ilan sa mga miyembro ng budol budol gang at isa-isang nagpulasan. Mabuti na lamang at naabutan ang isa nilang kasama na aktong tatakas na sana.
Nang kapanayamin si lola Lourdes tungkol sa pangyayari, "Parang nawala ako sa pag-iisip, sumusunod na lang ako sa kanila. Mabuti na lamang at mabait ang Panginoon." ani lola Lourdes.
Laking pasasalamat ni nanay Lordes sa mga gwardiya, mga kawani ng banko at ng barangay. Inipon daw nya ang perang ito mula sa pagtatrabaho bilang kasambahay sa napakahabang panahon para magamit nya sa kanyang retirement lalo pa't mag-isa lamang sya sa buhay.
Kaawa-awa sana ang kahahantungan ni lola Lourdes kung hindi ito naagapan ng matalinong mga gwardiya ng nasabing bangko. Patunay lamang na totoo ang kanilang concern sa kanilang mga kliyente sa bangkong ito.
Maraming salamat sa mga gwardiya dahil naagapan ang pambibiktima kay lola Lourdes. Kasalukuyang nakapiit ang nahuling suspek ng budol budol gang. *
Screencap photos from ABSCBN News |