Isang babae ang naging emosyonal, matapos nitong makakuha ng 'signal' para sa kaniyang cellphone. - The Daily Sentry


Isang babae ang naging emosyonal, matapos nitong makakuha ng 'signal' para sa kaniyang cellphone.



Naging emosyonal ang isang babae mula Bohol nang sa wakas ay nakakuha ng signal ang kaniyang "cellular phone" at magkaroon ng maayos ng komunikasyon mula sa kaniyang kausap sa kabilang linya.

Sa mga larawan na ibinahagi ng Facebook netizen na si Ronald Ancero Casil. Makikita ang isang babae na umiiyak habang nakatungtong sa isang malaking bato.




Tangan tangan ang kaniyang telepono, matiyagang nakikipag usap ang babaeng ito at hindi alintana ang matinding sikat ng araw.

Kwento ng babae, hindi na bago ang ganitong tagpo sa kanilang lugar. Lalo na sa mga tulad nilang naninirahan malapit sa kabundukan at kung saan malayo ito sa mga pinanggalingan ng mga signal.

Kaya kinakailangan pa na humanap sila ng magandang pwesto, upang makasagap ng signal at para sila'y makatawag o matawagan.

Ronald Ancero Casil Official | Facebook

Ronald Ancero Casil Official | Facebook


Ito ang hiling ng mga tao na nakatira sa Catungawan, Guindulman, Bohol.

Isang malaking tulong anila ang pagkakaroon ng mabilis at maaasahang signal sa kanilang lugar upang hindi na mahirapang maabot at makamusta ang mga mahal sa buhay na nasa malalayong lugar.

Marami ang naantig na mga netizen sa naging kalagayan ng babae. Batid nila ang hirap lalo na kung malayo sa pamilya.

Ronald Ancero Casil Official | Facebook

Ronald Ancero Casil Official | Facebook


Sa panahon ngayon ay mahalaga ang may sapat at malinaw na komunikasyon upang makumusta natin ang ating mga pamilya na nasa malalayong lugar.

Malaki rin ang magiging tulong nito sa oras ng pangangailangan o 'emergency' para mabilis na makahingi ng tulong at agad na makapag-bigay alam sa mga kinauukulan.

Ronald Ancero Casil Official | Facebook

Ronald Ancero Casil Official | Facebook


Dagdag naman ni Ronald sa kaniyang post, bukod sa cellphone signal ay may hindi na natukoy pang dahilan sa likod ng pagiyak at pagiging emosyonal ng babaeng nakikipag usap sa ibabaw ng malaking bato.