Isang nag-aalalang anak ang nagbahagi ng nakakapanindig balahibong pangyayari sa kaniyang ina, anak at ilan pang mga miyembro ng kanilang pamilya ng masangkot ang mga ito sa isang aksidente sa sasakyan.
Pauwi na sila galing sa pamamasyal nang maganap ang hindi inaasahang pangyayari sa kahabaan ng isang malawak na daanan.
Bandang alas dose ng tanghali noon, Biyernes Hulyo 30 ng mangyari ang aksidente. Habang bumabiyahe mula sa isang masayang bakasyon sa Subic, ay nakatanggap ng tawag si Joids mula sa kaniyang anak.
Ibinalita nito sa kaniya at idinetalye ang nangyari. Aniya, isang rumaragasang kotse ang tumama sa kaliwang bahagi ng kanilang sinasakyan, dahilan para magpaikot-ikot ito ng tatlong beses at mapadpad sa bandang damuhang bahagi ng kalsada.
Joids Campos Balagtas | Facebook
Joids Campos Balagtas | Facebook
Sa sobrang lakas ng pagkakatama at bilis ng pangyayari, matinding sira at pagkawasak ang sinapit ng dalawang sasakyan.
Matindi ang buhos ng ulan ng mga panahon na iyon kaya naman sa dulas ng kalsada, ay inaasahang sa maliit na pagkakamali lamang ay buhay ang maaaring mawala.
Halos 30km ang layo nila Joids sa mga naaksidente kaya naman agad niyang kinontak ang kanilang mga kaibigan upang humingi ng tulong na ipagdasal ang kaniyang mga kaanak na maging ligtas sa kapahamakan.
Joids Campos Balagtas | Facebook
Joids Campos Balagtas | Facebook
Awa ng Diyos ay maswerteng nakaligtas ang mga sakay ng sasakyan lalo na ang kaniyang may edad na ina.
Mula sa posibleng pagkakatilapon ng mga sakay nito palabas ng sasakyan o sugat mula sa pagkakabasag ng mga bintana, maituturing na isang himala na tanging sakit ng mga kalamnan, ilang galos sa katawan at matinding trauma lang ang iniwan ng pangyayaring ito sa pamilya ni Joids.
Joids Campos Balagtas | Facebook
Joids Campos Balagtas | Facebook
Kahit malakas ang ulan ay mabilis pa rin silang natulungan at maingat na nailabas ng sasakyan ng ilang mga taong may mabubuting loob na nasa lugar ng pangyayari.
Joids Campos Balagtas | Facebook
Kinabukasan ay masayang ipinagdiwang nila Joids ang milagrong pagkakaligtas sa nanay nito na kinilalang si 'Nanay Naty' kasabay ng kaniyang ika-73 kaarawan.
Sa huli ay lubos siyang nagpasalamat sa mga taong tumulong at mga kaibigan na nagdasal upang makauwing ligtas at buo ang kaniyang pamilya.
Source: Joids Campos Balagtas | Facebook