Pinatunayan ng isang estudyante mula Baguio na wala sa kahirapan, katayuan ng buhay at lakas ng pangangatawan ang pwedeng humadlang sa kanyang mga pangarap makapagtapos ng pag-aaral at makaahon sa kahirapan sa buhay.
Sa kabila ng kaniyang kalagayan, matiyagang naghahanapbuhay ang isang 25 anyos college student na si Jonel Tejedo na may cerebral palsy sa Baguio City, Cordellera para pantustos sa kaniyang pag-aaral.
Kahanga-hanga at kinabibiliban ng mga netizens ang nag-uumapaw na determinasyon at pagpupursige ni Jonel para sa kanyang kinabukasan.
Suot ang kaniyang school uniform, bitbit ng estudyante mula University of the Cordilleras ang isang basket na may lamang mga pagkain tulad ng balut, penoy, itlog ng pugo, at ang malaking plastic ng chicharon para ilako bago pumasok at tuwing meron siyang mahabang break at maging pagkatapos ng kanyang klase tuloy parin ang kanyang pagtitinda.
Napansin siya ng isang netizen na si Maria Awing-Tauli ang medyo kakaiba sa pananalita at kilos ni Jonel habang ito ay naglalako sa mga establishments. At nahabag siya nang malaman ang tunay na kalagayan ng binata na siyang nakakaapekto sa kilos at salita nito.
Dagdag niya, pangsuporta niya ang kaniyang kita sa kaniyang pag-aaral bilang hospitality management student, at para narin matulungan at hindi maging pabigat sa kanyang mgaa magulang. Ang ama niyang taxi driver, at ang ina na dishwasher sa isang kainan.
Tunay na humahanga ang ama't ina ni Jonel sa kasipagan nito sa buhay kahit pa man sa kalagayan nito.
"Ayaw niya masayang oras niya sa paghahanapbuhay para meron siyang konting panggastos lang, pangpasok, kuha ng pamasahe," aniya ng kanyang Ama
"Proud ako kasi kayang-kaya naman po niya 'yung ginagawa niya," dagdag nito.
***
Source: abs-cbn
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!