Viral ngayon sa social media ang kuhang mga larawan mula sa isang netizen tungkol sa pagpapahalaga sa kapakanan ng lahat ng mga kasama sa bahay, katulong, personal drivers, at iba pa.
Agad naman itong pinag-uusapan ng mga netizens dahil umano sa nakakaawang sitwasyon ng isang personal driver na di umano'y iniwan lang sa labas ng isang sikat na kainan.
Sa nag-trending na mga larawan, makikita ang isang lalaki sa parking area ng restaurant na pilit isinilong ang kanyang sarili sa gilid ng sasakyan mula sa katirikan ng araw.
"If ever na yayaman na kayo and will have the privilege to hire your own driver, personal assistants or even helpers, please don't let them wait uncomfortably outside while you are dining comfortably inside any resto or fast food chain. Please," saad ni Lorraine Grace sa kanyang post.
Umani ito ng mga pagbatikos sa social media kung bakit ganun na lamang umano ang pagtrato sa isang driver.
Ngunit naging hati naman ang mga naging opinyon at mga reaksyon ng netizens sa nasabing post at mga kuhang larawan.
Marami ang nagalit at naawa sa naging sitwasyon ng di-umano'y driver, at marami din ang mga hindi agad naniwala at nanghusga lalo pa't hindi naman nila alam sa kung ano talaga ang totoong nangyayari.
***
Source: Soft Soul.
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!