Photos courtesy of Facebook @AureLei Galvan |
Isang nakakaantig ng kwento ang ibinhagi ng isang netizen tungkol sa Lalamove delivery rider na kanyang nakita sa harap ng kanilang ng isan tindahan.
Ayon kay Aure Lei Galvan, ang netizen at nagshare ng kwentong ito, napansin niya ang isang delivery rider ng Lalamove, na nakaupo sa sa harap ng tindahan at tila nakatulog na ito. *
Agad nakaramdam ng kurot sa puso si Aure Lei, alam nya kung ano ang hirap na pinagdadaanan ng isang delivery rider dahil ang kanyang asawa ay isa ring ganito.
HIndi na sya nagdalawang isip na tulungan ang nasabing kuya rider na kinilalang si Michael Labiano, dahil sa sobrang pagod at gutom na ito, kaya nakatulog na lamang.
Tinanong sya ni kuya Michael kung meron silang mainit na tubig at siya raw ay nagugutom na. Hindi pa nanananghalian ito at malayo pa ang kanyang byahe.
Mula Marikina papuntang Malabon daw ang kanyang delivery kaya marahil ay inabot na ng katanghalian ito at sobrang init sa daan.
Ani AureLei kay kuyang rider, ay wala silang mainit na tubig pero maarin naman syang mag-init ng tubig para sa kanya.
Nagtanong pang muli ang netizen sa delivery rider kung gaano na ito katagal bilang isang delivery rider? *
Photos courtesy of Facebook @AureLei Galvan |
Ayon naman kay kuya Michael, kaka-simula pa lang niya nitong June 29. At part time lang daw niya itong pagiging delivery rider at nagtatrabaho sya sa isang pabrika.
Ramdam umano ni Aurelei ang pagod at pinagdadaanan ni Michael, dahil tulad din ng kanyang misterm di ito nakakakain sa tanghali at deretso na sa byahe lalo na kung ito ay malayuan.
Kaya ganun na lamang ang kanyang awa sa mga nagdedeliver, at hindi sya nagkukuripot sa bayad kung siya ay may ipapakisuyo. Maswerte na sila kung makatanggap ng tip mula sa kanilang mga customers.
"Kaya pag aq nkikisuyo sa mga driver d aq ngkukuripot. Kasi ung pagod ni kuya nkita q sa asawa q un pag ng babyahe." ani AureLei
Dahil sa kanyang Facebook post, madaming mga netizen ang naantig ang puso at nagpaabot ng tulong kay kuya Michael. Kahit pa ito ay maliit na halaga ay talaga namang nahimok ang mga netizens na magshare sa nasabing rider. *
Photos courtesy of Facebook @AureLei Galvan |
Nagbigay din ng update si Aure Lei kay kuya Michael at nais nitong pasalamatan ang lahat ng mga tumulong sa kanya lalo sa netizen na nag-upload ng kanyang kwento sa social media. Narito ang kanyang post:
"Update kay Kuya
Thank you so much daw po sa lahat ngbigay.
Nagulat ako subra, di ko expect at di ko entensyon humingi ng help para ki kuya kasi knina naisip ko na bibigyan ko sya bigas. Prutas at kape.. At kunti pera..
Nagulat ako mga ngpm para mgabot ng kunting tulong pero malaking tulong n po saknya.
Sabi niya uwi na daw sya para mkapasok pa Maya sa pabrika.
kinuha ko din contact number niya..
Ingat lagi sa byhe kuya Michael.
Maraming salamat sa lht ng tumulong.
Ang Diyos n bhala sainyo.
Thank you Lord ginawa mo nman ako instrumento para makatulong.
Marami pa din talagang mga tao ang handang tumulong likas kasi sa ating mga Pinoy ang nagtutulungan kaya sa mga tumulong ibabalik ng Panginoon sa inyo yan liglig siksik at umaapaw." *
Photos courtesy of Facebook @AureLei Galvan |