Photos courtesy of The LOStories |
Isang
kababayan natin mula sa city of Pines, Baguio City, na si Regie Cabutotan, na
isang dating taxi driver at ngayon ay isa ng ganap na web app developer.
Kung ating matatandaan, noong taong 2017, nagging laman ng social media si Reggie dahil sa katapatan at kabutihang ipinakita nito sa kanyang naging pasahero.
Nagkataon
kasi na nakaiwan ng mahahalagang kagamitan ang kanyang Australiyanong pasahero,
na naglalaman ng laptop, cellphone at iba pang mahahalagang gamit.
Dahil
dito, sinuklian ito ng Australiyano na isa palang businessman, at bilang
kapalit ay binigyan si Reggie ng full scholarship sa Australia upang
makapag-aral at maging isang ganap na app developer.
Dagdag
pa nito. Binigyan din ng Australian businessman na opurtunidad na pumasok
bilang intern sa isang Australian company si Reggie, na mayroong sahod na
umaabot sa halagang 1.7 milyong piso kada taon.
Sa
kasalukuyan, nagdedevelop si Reggie ng isang transport app, na “Taxi Coder Tour
Guide”, kung saan ay magagamit ito ng mga turista na pumupunta sa Baguio.
Ayon pa
kay Cabutotan, maihahalintulad ang kanyang app sa sikat na Grab kung saan ay
mapapagaan ng mga turistang pumapasyal sa Baguio. *
Photos courtesy of The LOStories |
"It
is an app similar to the system used by Grab but is specially designed for
tourist who come to Baguio," pahayag ni Cabutotan.
Isa si
Cabutotan sa mga magtatapos sa unang batch ng nasabing kurso kung saan ay
kanilang matatapos ito sa loob ng anim na buwan lamang.
Dahil sa
katapatang ipinakita ni Reggie, ay sinuklian naman ito ng kabutihan ng kanyang
naging pasahero.
Sinong
mag-aakala na dahil sa ating kabutihang ginawa ay makapagpapabago ito ng ating
buhay? Kaya naman kung mayroon tayong pagkakataon na makagawa ng kabutihan ay wag
ng mag-alinlangang gawin ito.
Lalo pa
at alam naman nating para sa ikabubuti ito ng ating kapwa, at tiyak na babalik
din naman ang kabutihang ito sa atin sa maraming paraan.
Tunay
nga na kung ano ang iyong itininamin ay iyon din ang iyong aanihin. Mabuhay ka
kabayan, at sana’y pamarisan ka ng karamihan. *
Screencap photo from The LOStories |