Concern citizen, tinulungan ang matandang may problema sa pag-iisip at palaboy nalang sa lansangan - The Daily Sentry


Concern citizen, tinulungan ang matandang may problema sa pag-iisip at palaboy nalang sa lansangan




Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang mga suliraning pinagdadaanan, marahil dahil sa trabaho, sa pamilya, o usaping pinansyal. Kaya naman ang kahit kaunting pag-unawa, respeto at tulong sa bawat isa ay napakahalaga sa panahon ngayon lalo pa't hindi natin alam ang mga pinagdadaanang hirap at pinapasang problema ng mga taong nakapaligid sa atin. 


Tulad nalang ng isang Facebook post na ibinahagi ng isang concern cetizen na hindi nag-atubiling magbigay ng kaunting tulong sa isang matandang palaboy nalang sa lansangan dahil wala ng pamilya at mga magulang na mauuwian at mag-aalaga. 



Ayon pa kay Megan Callos, ang nagmalasakit at nag-upload ng mga larawan, umaasa nalang sa paghihingi-hingi ng kanyang makakain ang matanda at madalas din umano itong makutyang may problema sa kanyang pag-iisip. 




"Nakikita namin s'yang pakalat kalat sa kalsada. Isa sya sa libo-libong tao sa mundo na binabansagang "baliw" ng maraming tao. Hindi s'ya katulad ng ibang may sakit sa isip na bayolente,"


Aminado mang minsan wala rin silang naiibigay sa matanda sa tuwing nanghihingi ito ng pagkain sa kanila ngunit hanggat kung ano ang meron at kaya ay tinutulungan nila.  


"Hindi po kami mayaman. Kung ano lang po ang nakakayanan namin is yun lang din po ang aming naibibigay,"


Hindi nila alintana ang banta ng laganap na sakit, at noong nakita nila ang matandang nakahigang hubad sa gilid ng kalsada, agad nila itong tinulungan kasama ang isang barbero na si Mang Sandy na kilala sa lugar na laging tumutulong lalo na sa mga taong may ganitong pinagdadaanang problema. 



Pinaliguan nila ang matanda, binusog ng pagkain at binigyan ng damit na kanyang masusuot. At hindi na pinalagpas pa ni Mang Sandy ang pagkakataon upang kanyang mabigyan ng serbisyo sa pagugupit ang matanda.




"Thank you so much Lord for making us your instrument para tumulong sa ibang tao!"


Basahin ang buong post ni Megan Callos: 


Simple help is a big help for those who need it!✨

Long story ahead! 


Nakikita namin s'yang pakalat kalat sa kalsada. Isa sya sa libo-libong tao sa mundo na binabansagang "baliw" ng maraming tao. Hindi s'ya katulad ng ibang may sakit sa isip na bayolente. Kaya naman sa pagkakataong ito agad namin s'yang tinulungan. 




Maraming beses s'yang humingi ng tulong samin,at that point walang wala rin kaming maibigay so from that moment na nakita namin sya after a few days, (Idunno the exact date nitong August but that day binilhan namin s'ya ng ihaw-ihaw and palamig para pag napadaan ulit sya is ibibigay namin. But hindi na sya ulit dumaan.) 


Kaya naman nang dumating 'tong araw which is nakita namin s'ya na nakahiga banda sa playground ng Minuyan is tinulungan agad ako ni Kuya Sandy which is the man behind of these scenes! Si Kuya Sandy ay isang barbero dito sa harap ng Minuyan Basketball Court. 


Owner of Angel's Salon!🥰Lahat po ng pictures ay may captions para mas maintindihan nyo po ang pangyayari✨ Thank you so much Lord for making us your instrument para tumulong sa ibang tao!😍


Hindi po kami mayaman. Kung ano lang po ang nakakayanan namin is yun lang din po ang aming naibibigay. 


Di ko na po napicturan yung pagbigay ni Kuya Sandy ng pagkain sa taong to🥰 Ayaw n'ya din pong magpakuha ng vids or pictures. Ako lang po talaga ang nagpumilit. Kasi hindi lang s'ya dito sa Bulacan tumutulong pati na rin po sa ibang lugar!✨


May Lord bless you Kuya Sandy! Nawa'y marami ka pang matulungan.













***


Source: Megan Callos


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!