Cancer Patient, NaScam at Nahack ang GCash donation. Pang-Chemotherapy, Naglaho! - The Daily Sentry


Cancer Patient, NaScam at Nahack ang GCash donation. Pang-Chemotherapy, Naglaho!



Photo credit to Rabbitt Green | Facebook

Sadya namang nakakalungkot at nakapanglulumong isipin na may mga taong kayang manloko ng kapwa, lalo na kung ang biktima ay kasalukuyang may pinagdaraanang sakit at pilit na lumalaban sa buhay. 

Isang Facebook user na nagngangalang, Rabbitt Green, ang nagbahagi ng hindi magandang karanasan na kanya mismong sinapit sa kamay ng isang scammer, kung saan nagpanggap diumano ang huli na magbibigay sa kanya ng donasyon para sa pagpapagamot ng sakit.

Kasalukuyan kasing dumaranas ng malubhang sakit si Green. Siya ay isang cancer patient at ngayon ay kumakatok sa puso ng mga netizens at humihingi ng tulong upang maipagpatuloy ang pagpapagamot at chemotherapy.



Photo credit to Rabbitt Green | Facebook

"Gandang araw guys. Muli ako/kami po ay humihingi ng konting tulong para po sa akin pang 4th session ng chemo at patuloy na gamutan para sa aking sakit na CUP cancer (Carcinoma with Unknown Primary). Kahit sa piso halaga po lamang ay magiging malaking tulong na po at makakadagdag na po ito sa akin gamutan sa kadahilanan di po biro ang gastusan. Ito na po ang aking mga kasalukuyan lagay after ko po machemo session at gamutan at napakalaki po ng improvement unlike before...Pasensya na po sa malaking abala at maraming2 salamat po sa pang unawa.. GODBLESS po sa lahat..

Name : Raffy Zerna
Gcash no. : 09203136099",
post ni Green.

Photo credit to Rabbitt Green | Facebook



Photo credit to Rabbitt Green | Facebook

Ngunit ilang oras matapos ang kanyang paghingi ng tulong ay malungkot na ibinahagi ni Green na siya ay nascam at natangay ang lahat ng laman ng kanyang GCash account kung saan pumapasok ang lahat ng donasyon galing sa mga kaibigan at ibang netizens na nagpadala ng kanila-kanilang tulong sa kanya.

Kanyang ipinost ang screenshot ng kanilang pag-uusap kung saan nagpakilala ang kunwaring magbibigay ng tulong at nagsabing iforward niya ang 'validation text' na matatanggap, upang magtuloy ang 'bank transfer' na gagawin nito para sa kanya.

Photo credit to Rabbitt Green | Facebook

Sa pagaakalang malinis ang intensyon ng nagpakilalang si Denise Caluag, ay ibinigay niya ang validation number at matapos nga noon ay napagtantong nascam siya ng walang awang taong iyon na pati ang kanyang panggamot ay kinuha pa.



Tunay nga namang napakasaklap na yung taong nangangailangan ng tulong ang siya pang ginulangan ng mga walang pusong scammer tulad ng manlolokong si Caluag.

"Yan po yung no. ng HAYOP NA YAN...YAN PO NANGHACK ng GCASH KO...
nung nareset ko po WALA N PO LAMAN GCASH KO.... pakiplug n lang po...
Maibabalik pa po kaya un?... Patulong naman po.",
panawagan niya.

Sa ngayon ay humihingi ng tulong si Rabbitt Green na sana ay maibalik ang nahack na laman ng GCash sapagkat kailangang-kailangan niya ang halagang ito upang maipagpatuloy ang kanyang chemotherapy.

Nanawagan din siya, kanyang pamilya at mga kaibigan na kung sakaling meron pang ibang gustong magdonate sa kahit magkanong halaga basta bukal sa kalooban ay malaking tulong na diumano ito sa kanila.


SourceJhon Francis Majadas | FacebookRabbitt Green | Facebook