Biyudang Ina, gumawa ng 'story book' para sa anak upang magsilbing alaala ng kanilang yumaong ama. - The Daily Sentry


Biyudang Ina, gumawa ng 'story book' para sa anak upang magsilbing alaala ng kanilang yumaong ama.



Ang pagiging ina ay hindi madali, matinding dedikasyon ang kinakailangan para magampanan ito. Inaasahan rin na dapat ay lagi silang nagpapakatatag sa kahit ano mang oras at hamon sa buhay para sa kanilang pamilya lalo na sa mga anak.

Gaya na lang ng kwento ni Tin Tagaza Baraga, na sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawalan siya ng katuwang sa buhay matapos ang kanilang 6 na taong pagsasama at pagkakaroon ng dalawang supling na si Caleb at Amaia.




Masipag na nagta-trabaho dahil matayog ang pangarap ng mag-asawang dentista para sa kanilang pamilya ngunit isang nkalulungkot na pangyayari ang naganap noong Pebrero 19 2019.

Ayon kay Tin, isang normal na pagsisimula ng kanilang araw ay ang makita ang kaniyang asawang si Archie na naghahanda papasok sa kaniyang trabaho. At dahil sanggol pa ang kanilang bunso na si Amaia ay madalas puyat si Tin dahilan para ito'y makatulog muli.

Tin Tagaza Baraga Photo via smartparenting.com 

Our Daddy in Heaven via smartparenting.com 


Makalipas ang ilang minuto, nagaalala at nagmamadaling ginising si Tin ng kanilang mga kasama sa bahay, dahil sa kalagayan ni Archie.

Hindi normal ang kilos at histura nito at sinasabing hindi na siya makahinga at kalaunan ay biglang hinimatay.

Dali-daling itinakbo ni Tin ang kaniyang kabiyak sa pinakamalapit na ospital. Doon na nagkaron ng malay si Archie at pansamantalang naibsan ang pag-aalala ni Tin.

Our Daddy in Heaven via smartparenting.com

Our Daddy in Heaven via smartparenting.com


Ngunit nakakalungkot na sa mismong umaga ding 'yon ay pumanaw si Archie.

Bagamat walang anumang karamdaman sa puso ang ama, ito'y bigla na lamang tumigil sa pagtibok dahilan upang siya'y masawi.

Hindi naging madali kay Tin na ipaliwanag ang nangyari sa kaniyang mga anak lalo na sa murang edad ng mga ito.

Tuwing gabi ay hinihiling ng kaniyang anak na si Caleb na ma kwentuhan ito ng tungkol sa kaniyang ama. Hindi nagsasawa ang bata kahit ito'y paulit-ulit lang na kinukwento ng kaniyang ina.

Dito na naisipan ni Tin na mas mainam kung ang kinukwento niya ay mayroong mga larawan at magsisilbing 'story book' kung saan mas madali nilang mailalarawan sa kanilang isipan ang alaala ng kanilang ama.

Sa tulong ng ilang kaibigan, naisagawa nila Tin ang librong tungkol kay Archie.

Our Daddy in Heaven via smartparenting.com 


Naging emosyonal ito nang una nilang makita ang libro. “It’s Daddy Archie’s book.” Bakas ang tuwa mula sa ngiti ng anak, dito natimbang ni Tin ang halaga at magiging partisipasyon ng librong ito sa kanilang pamilya.

Bukod sa pananalig sa itaas upang humingi ng lakas ng loob na malampasan ang napakabigat na pagsubok na ito, ang libro tungkol kay Archie na rin ang naging sandalan ni Tin upang magpatuloy sa buhay at mapawi ang lungkot na kaniyang nadarama.

“It is true that when you lose a spouse, you also lose half the person that you are. The day my husband died, I know half of me died with him,” 

Dahil sa nag-iisa lang ang kopya ng libro, labis itong iniingatan ng pamilya at magpasa-hanggang ngayon ay walang katumbas na ligaya ang dulot nito para sa mag-iina.

Tin Tagaza Baraga | Facebook