Batang Pinay na nakatanggap noon ng regalo mula sa isang batang Amerikano; Nagpakasal makalipas ang 14-taon - The Daily Sentry


Batang Pinay na nakatanggap noon ng regalo mula sa isang batang Amerikano; Nagpakasal makalipas ang 14-taon




A destiny from God!


Hindi inakala ng noo'y mga bata pa lang at ni-hindi nagkaroon ng pagkakataon upang magkakilala at ngayo'y pinagtagpo ulit ng tadhana ang kanilang mga landas.


Nagsimula ang kanilang kwento sa pamamagitan lamang ng isang Samaritan's Purse o Christmas box, galing sa mga bata sa America na kanilang binabalot at pinapadala para sa mga mahihirap na bata dito sa bansa. 


Isang batang Pinay na si Joana Marchan ang isa sa masusuwerteng mga bata na nabigyan ng mga regalo. At nakatadhana para sa kanya ang box na inihanda ng isang batang Amerikano na si Tyrel Wolfe, na gusto lang noon ibahagi ang kanyang mga biyaya para sa ibang mga bata.





Nagpaabot si Joana ng pasasalamat noon kay Tyrel sa pamamagitan ng sulat ngunit hindi na siya nakatanggap ng sagot mula rito.


Makaraan ang maraming taon, hinanap ni Joana si Tyrel sa internet gamit ang impormasyon na nakasulat sa likod ng larawan ni Tyrel na kanyang natanggap noon.  


Nakita ni Tyrel ang "Friend Request" ni Joana noon pa sa Facebook ngunit hindi niya umano ito pinansin at kalaunan ay inaccept niya na ito at sila'y naging magkaibigan at nagkapalitan ng mga chats.



Lumipad ng bansa si Tyrel upang makita ng personal ang noo'y bata pa na nakatanggap ng kanyang regalo. Hanggang sa napagdesisyonan nilang magpakasal makalipas ng ilang balik ni Tyler sa Pilipinas upang bisitahin si Joana.





"I see her and her big beautiful smile, and it's like, Lord is this a dream?" salaysay ni Tyrel sa isang interview


"At that point, we just knew that no possible way that she could just found me, it was through God that she found me," dagdag niya


Masaya sila sa kanilang buhay mag-asawa sa U.S kasama ang kanilang minamahal na anak. 

***

Source: Rachfeed

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!