Noon pa man, palaisipan na sa marami kung bakit umiiyak ang mga buwaya habang inaatake o winawarak nila ang laman ng kanilang mga biktima. Sari-sari ang paniniwala ng ilan tungkol dito.
Tingin ng iba, naluluha ang mga buwaya sa harap ng kanilang mga walang kalaban-laban na biktima dahil sa emosyon ng naturang hayop na tila naaawa o nakokonsensya habang ginagawa ang pag-atake.
Sa paniniwalang ito umano nag-ugat ang matandang kasabihan na "crocodile tears" na nangangahulugan ng huwad o insinserong pagsisisi.
Ngunit base sa mga siyentipikong pag-aaral, normal lamang umano sa mga buwaya ang lumuha habang isinasagawa ang nasabing bagay.
Basahin ang paliwanag mula sa FB Page na Earth Shaker:
#FactBit NAGLULUHA TALAGA ANG MGA BUWAYA
Nakakita na ba kayo ng umiiyak na buwaya (crocodile)? Ayon sa mga pag-aaral, imbes na emosyon, ang pagluluha ng mga buwaya ay maiuugnay sa proseso (hal. habang winawarak ang laman) ng pagkain nila ng "prey".
Simula pa noon ay ilang beses nang namamataan ang mga buwaya (crocodile) na nagkakaroon mg pagluluha, lalo na sa harap ng kanilang biktima (prey). Ayon sa isang sabi-sabi, ito ay dulot ng kalungkutan sa kanilang ginagawa.
Katulad natin, ang ang kanilang luha rin naman ay produkto ng lachrymal glands, ngunit hindi para sa pagpapahayag ng emosyon ang dahilan ng kanilang pagluluha. Lumalabas sa mga makabagong pag-aaral, imbes na emosyon, ito ay isang natural na proseso lamang na nangyayari sa pagkain nila ng kanilang biktima. Ito ay maiuugnay sa "huffing", "puffing", at iba pang mga pambugang tunog na nagagawa nila habang kumakain.
Sa ngayon, hindi pa rin talaga alam ang buong detalye sa pagluluha ng mga buwaya, at ilang mga pag-aaral pa ang kakailanganin. Mahirap ito dahil lubhang delikado na lumapit at pag-aaral nang husto ang mga buwaya.
PAALALA: Huwag lumapit sa mga buwaya para lamang makita ito nang malapitan.
Ito po ay nakasalin sa Filipino bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng "Buwan ng Wikang Pambansa" ngayong buwan ng Agosto.🇵ðŸ‡
MGA SANGGUNIAN:
[1] Britton, A. (2012). Do crocodiles cry 'crocodile tears'?. Crocodilian Biology Database. https://crocodilian.com/cnhc/cbd-faq-q6.htm
[2] Handwerk, B. (2007, October 10). Crocodiles really shed tears while eating, study says. National Geographic. Retrieved from: http://news.nationalgeographic.com/.../071010-crocodile...
[3] Kershner, K. (2020). What's the deal with crocodile tears?. HowStuffWorks. Retrieved from: