Photo credit to Patricia Tawat and Christian Baluyot | Facebook |
Sadyang kahanga-hanga ang mga taong kahit gipit sa buhay ay mas pinaiiral ang integridad at bait sa sarili. Mga taong lubhang may mabubuting puso at talaga namang matatawag na 'Good Samaritans'.
Isang napakagandang halimbawa nito ay ang kahanga-hangang kwentong nangyari sa isang netizen na diumano ay nakatagpo ng isang napakabuting tao na sa kabila ng kahirapan ay mas piniling maging mabuti at gawin ang tama.
Kwento ng netizen na si Patricia Tawat, isang araw ng papasok siya sa kanyang trabaho ay may isang lalaking kapwa niya pasahero sa sinakyang jeep ang nakaagaw ng kanyang pansin. Mukhang malungkot raw kse ito at nakatulala lamang habang kumakain ng tinapay. Hindi niya maipaliwanag kung bakit noong oras na iyon ay isinama niya ito sa kanyang dasal.
Photo credit to Patricia Tawat | Facebook |
Nang nakababa na siya sa sinakyang jeep ay napansin diumano ni Patricia na nawawala ang kanyang cellphone. Akala raw niya ay hindi na ito maibabalik sa kanya ngunit ng kanyang tawagan ay sumagot agad ang nakapulot dito at agad sinabing kanyang ibabalik ang napulot na cellphone.
Photo credit to Patricia Tawat | Facebook |
"WAG KA MAGALALA ATE, IBABALIK KO PO CELLPHONE MO. HINDI KO PO KAYANG GUMAWA NG MASAMA. AYOKO PO KASI MAGAYA ANAK KO SA MASASAMANG TAO", ang sabi diumano sa kanya ng nakapulot, nang magkausap sila sa telepono.
At ng magkita sila sa araw ng pagsasauli ng cellphone ay laking gulat ni Patricia ng makita niya na ang nakapulot ng kanyang phone ay walang iba kundi ang lalaking kanyang nakasabay sa jeep noon.
At ng magkita sila sa araw ng pagsasauli ng cellphone ay laking gulat ni Patricia ng makita niya na ang nakapulot ng kanyang phone ay walang iba kundi ang lalaking kanyang nakasabay sa jeep noon.
Photo credit to Patricia Tawat | Facebook |
Narito ang kanyang buong post:
"ECQ DAY 1
“Ayoko po kasi magaya anak ko sa masasamang tao”
Habang nasa jeep ako papasok ng trabaho, may lalaking nakaagaw ng atensyon ko. Nakatulala habang kumakain ng tinapay. Nakatingin lang ako sakanya. Iniisip ko siguro marami syang iniisip na problema, My mama will always remind me everyday na magdasal ako lagi habang papasok ng work. Sinama ko talaga sya sa prayers ko.
Mejo lumagpas ako. Nataranta na ko sa pagbaba kasi ang dami kong bitbit dahil uuwi ako ng Bulacan. After ilang minuto napansin ko na nawawala na yung phone ko. Sobrang nagpapanic na ko kasi di ko makita kahit saang bag. Naaiyak na ko talaga kasi hindi yun pwedeng mawala. di ko na talaga alam gagwin ko. Di maalis sa isip ko na wala na yun, may nakakuha na nun. Tinry kong tawagan yung phone ko. Pangalawang ring palang, MAY SUMAGOT. Lalaki.
Akala ko hindi na mababalik sakin. Kasi iniisip ko madaming nangangailangan lalo na sa panahon ngayon. PERO HINDI
Pag baba nya sa jeep kung san kami magkikita, hindi ko akalain si kuya, siya yung lalaking tinitignan ko sa jeep. Siya yun. NAPAKABUTI MO LORD, NAPAKA BUTI MO KUYA. Lagi mo sinasabi sakin sa phone “WAG KA MAGALALA ATE, IBABALIK KO PO CELLPHONE MO. HINDI KO PO KAYANG GUMAWA NG MASAMA”
Sa panahon ngayon meron pa ring mga taong kahit hirap at gipit sa buhay, hindi parin sasagi sa isip nila gumawa ng masama mas pipiliin paring maging mabuti.
Saludo ako sayo kuya. Sobrang swerte ng mga anak mo sayo. Napakabuti mo.
Thank you Lord!
Maraming Salamat kuya Christian!"
****
Samantala, lingid sa kaalaman ni Patricia, bago pa man niya matawagan ang nawawalang phone noon ay nagpost din pala si Christian upang mahanap ang may-ari ng kanyang napulot na cellphone at maisauli ito.
"Kung sino kaman ate/kuya hihintayin kopo tawag mo ibabalik kotong cellphone mo dahil wala pong tinuro saken ang magulang ko mag nakaw babalik kopo etong napulot kong cellphone pleasee share sa jeep kopo napulot thanks", aniya sa kanyang Facebook post.
Photo credit to Christian Baluyot | Facebook
|