Bawat istorya ng tagumpay ay may kaakibat na nakamamanghang kwento, ito kadalasan ang nagsisilbing inspirasyon ng mga taong nagpupursigi upang makamit ang kanilang mga pangarap.
Kaya naman marami ang nagbigay puri ng ibahagi ni Dr. Honesty Excell V. Salazar ang kaniyang istorya ng pagalalakbay patungo sa tagumpay, at pinamagatan niya itong "Ang kwento ng 300k"
"Ang kwento ng 300k"
"Naalala ko bago ko pumasok ng medisina tinanong ako ng tatay ko na:
"Sigurado kana ba talaga na magmemed ka? 300k nalang laman ng bangko natin"
"Ang naisagot ko lang :
"oo sigurado na ko, ilalaban mo naman ako diba?"
"Yung sagot ng tatay ko na :
"OO NAMAN!" Ang bukod tanging pinanghahawakan ko.. kasi naniniwala ako kahit ano mangyari igagapang nila yung pangarap ko."
Honesty Salazar | Facebook
"Sa bawat taon na dumaraan.. halos magbenta ng lupa, sasakyan at magbanat ng buto yung mga magulang ko para lang makapasok ako at makatuloy sa laban."
"Hanggang sa dumating yung punto na pinunit ko yung blankong papel sa likod ng libro para lang gumawa ng sulat sa accounting office na hindi ako makakabayad ng buo para sa exam. Tapos si ate na halos ipahiram din niya tuition fee niya nung mga oras na yon maidagdag lang sakin para makapag exam ako."
"Sa lahat ng bagay ako ang inuuna ninyo makatuloy lang ako. Dahil ang pangarap ko ay pangarap din nila."
"Naalala ko din sinabi ng kaibigan ko :
Huwag kang mag-alala, dahil hindi tinatanggihan ng paaralan ang estudyanteng walang pambaon. (Maraming Salamat sa pagbisita at sinabi mo.. dahil yung manok na ibinigay mo para sakin nung araw na yun para lang may makain ako.. eh yun yung pinakamasarap sa lahat dahil tunay kang kaibigan)"
Honesty Salazar | Facebook
"At sa mga kaibigan ko na bumibili ng school supplies, nagbibigay ng pera pandagdag sa baon ko, mga nagpapahiram ng libro at gamit sa tuwing kailangan ko, tumatawag at bumibisita para kumustahin ako at higit sa lahat yung mga taong nagpahiram sa mga magulang ko para lang maibayad sa tuition fee ko nung panahon ng kagipitan,"
"MARAMING SALAMAT PO SAINYO."
"Lagi ko iniisip kung makakapasok pa ba ko sa mga susunod na sem? makakapag-exam kaya ako at paano ko bibili ng mga gamit. (Pero lahat ng mga tanong ko nasagot ng nasa itaas habang dumadaan ang panahon)"
"Nabibilang lang sa daliri itong mga tao na to.. na sumuporta sakin mula umpisa hanggang sa matapos ko ito."
Honesty Salazar | Facebook
Honesty Salazar | Facebook
"Maraming Salamat sa walang sawang pagsuporta at pagmamahal na binibigay ninyo at Maraming Salamat din po sa lahat ng aking mga naging guro."
"Thank you Lord kasi binigyan mo ko ng sobrang sipag na mga magulang kaya naitawid ko yung bawat taon ng pag-aaral ko sa med. Ito yung bagay na taon ko ng pinagdadasal at iniiyak sayo na sana ibigay mo sakin yung bawat laban at huwag akong hayaan na maalis dito kahit gaano pa man kahirap."
"Tunay nga talagang hindi niya tinitignan kung magkano ang pera mo.. dahil ang tinitignan niya ay ang paniniwala mo na kaya mong tuparin ang mga pangarap mo."
Honesty Salazar | Facebook
Dr. Honesty Excell V. Salazar, RMT
Doctor of Medicine
Our Lady of Fatima University
Batch 2021
Source: Honesty Salazar | Facebook