Matalinong anak ng magsasaka, nakatanggap ng P16M mula sa sikat na unibersidad sa Amerika - The Daily Sentry


Matalinong anak ng magsasaka, nakatanggap ng P16M mula sa sikat na unibersidad sa Amerika




Ang edukasyon ay isang kayamanan na hindi mananakaw ninuman. Yan ang katagang madalas nating marinig mula sa mga nakatatanda lalo na noong tayo ay mga estudyante pa lamang. Kung kaya gano'n na lang kung pahalagahan natin ang ating pag-aaral. Lalo na't edukasyon ang susi para sa magandang kinabukasan. 


Marahil ay tumatak na agad sa isip ng batang ito, kahit sa murang edad pa lamang, ang kahalagahan ng edukasyon. 


Kilalanin si Edrian Paul Liao, ang kauna-unahang batang pinoy na nakatanggap ng P16M scholarship grant mula sa isa sa mga pinakasikat na unibersidad sa buong mundo, ang Duke University. 



Nagmula sa Province of Cagayan Valley, maituturing na pinoy pride si Liao dahil sa kanyang napakalaking achievement na nakamit. 


Tunay na mapalad ang naturang bata dahil hindi lahat ng estudyante ay nabibigyan ng oportunidad na katulad ng natamo nya. 


Nagtapos si Liao sa Philippine Science High School Cagayan Valley. Ang kanyang kahanga-hangang academic record ang nagbigay-daan para makatanggap sya ng kabi-kabilang offers mula sa ilan sa mga pinakaprestihiyosong unibersidad sa buong mundo na kung tawagin ay Ivy League sa United States. 


Ang piniling paaralan ng 18-anyos na pinoy ay ang Duke University sa North Carolina, USA. 



Ilan lang sa mga nagtapos sa nasabing eskwelahan ay ang Apple CEO na is Timothy Cook at ang namayapang former US President na si Richard Nixon. 


Ayon sa pride ng Cagayan, ang kanyang tatay ay isang magsasaka at ang nanay naman nya ay isang midwife. Pagdedetalye ni Liao, bata pa lang sya ay nakita nya na kung paano itinaguyod ng mga magulang nya ang kanyang pag-aaral kaya naman sobra-sobra umano ang pasasalamat nya sa mga ito, partikular na sa kanyang ina. 



Aniya, hindi raw napunta sa wala ang lahat ng pagsisikap na ipinuhunan ng kanyang nanay para sa kanya dahil nagbunga ang lahat ng ito at habambuhay raw syang magpapasalamat sa mga ginawa nito para sa kanya.


Saad ni Edrian, "Her investments for me really paid off, and I am forever grateful for what she has done for me." 


Bachelor of Science in Mechanical Engineering Minor in Computer Science ang kursong kukunin ni Liao sa Duke University. Ang nasabing estudyante rin ang kauna-unahang Pilipino na nakasama sa Karsh International Scholarship Program na nakatanggap ng USD 328,000 o humigit kumulang P16.4 million. 


"I felt ecstatic when I found out I got into such a prestigious and highly selective US University. I'm most excited about meeting people from different walks of life. The students are really diverse." ani Edrian sa isang panayam.