Anak ng isang magsasaka at tricycle driver, nakakuha ng U.S. scholarship worth P4.2M kada taon - The Daily Sentry


Anak ng isang magsasaka at tricycle driver, nakakuha ng U.S. scholarship worth P4.2M kada taon





Walang ibang hangad lahat ng mga magulang kundi ang ibiggay ang kanilang buong makakaya para sa kabutihan at kinabukasan ng kanilang mga anak. Ngunit dahil narin sa kasalatan ng buhay, marami din sa mga magulang ang hindi na kayang tustusan ang pagpapaaral ng mga anak. 


Walang sinayang na pagkakataon upang masuklian ang lahat ng dugo't pawis na isinakripisyo ng mga magulang, ang kuwento ng tagumpay at determinasyon na bumihag ngayon sa puso ng mga netizens.


Hindi mapantayan ang tuwa't saya sa mga mata ng mga magulang ni Gelbert Crecenscio mula Talibon Bohol, matapos siyang makapasa at magawaran ng full scholarship mula sa Amherst College in Amherst, Massachusetts USA, isa sa mga kilala at pristihiyosong paaralan sa buong mundo.


Amherst College, Massachusetts United States


Kukuha siya ng undergraduate degree sa Nuerosciences bilang preparation sa Medical School sa U.S upang maging Neurosurgeon.


Isang magsasaka at namamasada bilang tricycle driver ang Ama niya na si mang Edilberto at namamsukang waitress at tagabantay ng tindahan ang kanyang Nanay na si Gertrudes, na halos nagtatrabaho ng buong 14-hours kada-araw.


“First word ko po na nabasa is ’yung congratulations po, pero hindi ko na binasa lahat nung letter, tumakbo na lang po ako palabas ng bahay ’tsaka sinabihan ko yung mama ko tapos nag iyakan kami" 


Mula sa 4,900 na mga aplikante mula sa mga international students, isa si Gelbert sa 118 lamang na pinalad na makapasa. Nagtapos siya ng kanyang Senior High School sa Holy Name University, Tagbilaran City. 


Makakatanggap si Gelbert mula sa kanyang scholarship ng tumataginting na $85,000 o halos P4.2 million kada-taon sa kanyang pag-aaral. Kasama na ang kanyang libreng tirahan. 


Aminadong mahirap ang kanilang pamumuhay, kaya laking tuwa ng buong pamilya nang matanggap ang isang napakagandang balita para kay Gelbert.




Bunso sa tatlong magkakapatid si Gelbert, at parehong nakapagtapos na din sa kolehiyo ang mga ito. Nabaon din sila sa mga utang at loans para may maipambayad sa tuition ng kanyang mga kapatid, hangga't lumobo na mga ito at nagkandapatong-patong ng ang mga interest.


"Hindi ko niminsan narinig na nagreklamo ang aking mga magulang tungkol sa kung gaano na sila ka pagod. Kaya, nais kong tulungan ang aking pamilya, upang mabayaran ang lahat ng mga utang at maibigay ko sa kanila ang buhay na tunay na nararapat sa para sa kanila," aniya. 


Dagdag pa niya na hindi siya kailanman pinilit ng kanyang mga magulang upang ibuhos ang kanyang buong panahon sa pag-aaral. Pagkukusa daw niyang ginawa ang lahat ng mga ito upang kanyang masuklian at hindi masasayang ang lahat ng kanilang pagod at paghihirap sa paghahanapbuhay para kanilang magkakapatid.


Pangako naman ng kanyang mga magulang na handa nilang gawin ang lahat at hindi sila titigil sa pag-suporta sa pangarap ng kanilang anak. 




Ibinahagi ni Gelbert na nais din niyang bumalik at magsilbi sa sariling bayan pagdating ng panahon. 


“I have observed a lot of systemic weaknesses in provincial healthcare, and this I think is very important to solve. So I hope to pursue medical school where I can train and become one of the best neurosurgeons in the Philippines and hopefully give back to the community,”


Maliban sa Amherst Collgee, nakakuha din si Gelbert ng scholarship mula sa Temple University sa Pennsylvania, Heidelberg University sa Germany, at sa St. Thomas Aquinas College sa California.


***

Source: Esquire

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!