Hindi biro ang pinagdaraanan ng mga estudyante, lalo na kung ang mga ito ay self-supporting o working student na kinakailangang pagsabayin ang pagaaral at pagtatrabaho para lang matustusan ang kanilang edukasyon.
Ito ang kwento ng buhay ni Jayvee Calayag. Ang lalaking sa murang edad pa lamang ay agad nang namulat sa realidad ng buhay.
Marami na tayong natunghayang storya ng tagumpay na nagpabilib sa atin. Ngunit labis na kahanga-hanga ang kwento ni Jayvee dahil sa naging pagpupursige nito sa buhay na naging dahilan para maiahon nya sa hirap ang kanyang pamilya.
Bilang anak ng isang basurero at basurera, bata pa lang si Jayvee ay nalaman na nya agad kung gaano kahirap kumita ng pera. Kaya naman kahit maliit pa sya noon ay minabuti nya nang sumama sa kanyang mga magulang sa pagpupulot ng mga basura para makatulong.
Pagdedetalye nya sa kanyang Facebook post, "Elementary pa lang ako sumasama na ako sa tatay at nanay ko na mamili at mamulot ng kalakal sa bara-barangay. Kailangang tumulong para makaraos sa pang-araw araw."
Kwento pa nya, "Namulat agad na mahirap pala kumita ng pera. Natutunan ko sa magulang ko na magbanat ng buto. In God’s grace, di naman kami pinababayaan."
"Alam kong di po yun matutumbasan ng anumang halaga.Pero wag po kayong mag-alala, ako naman po ang babawi sa inyo makapagtrabaho lang ako, ganun din po kila Kuya." dagdag pa nya.
Kaya naman labis na lang ang pasasalamat ng kanyang mga magulang ng sya ay maging consistent Dean's Lister at kinalaunan ay nagtapos na sa kursong Electronics Engineering.
Sa ngayon ay tumutulong na sya sa kanyang mga magulang bilang isang engineer at part-time financial advisor.
Basahin ang kanyang Facebook post:
Lumaki sa hirap, kung kaya’t namulat na mangarap, nablessed ni God kasi binigyan Nya ako ng second chance na mabuhay, kasi 6- months old baby pa lang ako, tinanggalan na ako ng left kidney stone.Maswerte sabi ng mga Doc, pero for me, I have a mission pa;syempre sa family ko.
Elementary pa lang ako sumasama na ako sa tatay at nanay ko na mamili at mamulot ng kalakal sa bara-barangay. Kailangang tumulong para makaraos sa pang-araw araw. Namulat agad na mahirap pala kumita ng pera. Natutunan ko sa magulang ko na magbanat ng buto. In God’s grace, di naman kami pinababayaan.Nay, Tay Pasensya na po kayo kung di na ako nakakatulong nung nagCollege na ako kasi I want to focus po sa study ko.Alam ko po yung hirap na ginagawa ninyo magkaroon lang ako ng baon sa araw araw. Hirap na hirap po kayo sa pamumulot ng maduduming kalakal. Pero itinaguyod ninyo po ako sa aking pag-aaral sa loob ng 16 years. Alam kong di po yun matutumbasan ng anumang halaga.Pero wag po kayong mag-alala, ako naman po ang babawi sa inyo makapagtrabaho lang ako, ganun din po kila Kuya.
Thank you sa mga kamag-anak ko na nandyan palagi na nagtitiwala at tuparin ang pangrap ko na makatapos: Justina Avendano Bontuyan Jessica Jumaquio Francis Domingo Dennis Acorita
Sa bestfriends kong sina Carl Michael Bacuetes Adriano at Rose Anne Espinola sa pagtulong sakin.Thank you!
Bestie Christian Lay Samson, binago mo lifestyle ko, thank you sa help to improve myself.
To PSPC, NMA Philippines, Mr.Henry Lim and Mayor Christian Dionisio Natividad Scholarship Program, Maraming salamat po sa financial assistance.Thank you BulSU Scholarships head and staffs, Ma’am Reina Marie Clemente Santiago!
Sa mga naging prof ko Sa BulSU COE:
Thank you po sa lahat lahat!Lalo na kay Sir Dennis Robles Dela Cruz.Thank you po Engineers: Benjamin Santa Maria Jr. Oliver Mariano Hilario Calinao Allan Nicolas Emmylyn Roque Sevilla Tuazon Rina Santiago Ian Javier Jenette Centeno Rav De Jesus Dion Mendoza
“Isa lang masasabi ko, huwag lokohin ang iyong magulang instead sundin sila.”
“Hindi hadlang ang kahirapan.”
BEST GIFT EVER TO YOUR PARENTS
Bachelor of Science in Electronics Engineering
Dean’s Lister
Batch 2016
Thank You GOD
BULACAN STATE UNIVERSITY