Haligi ng Tahanan!
Yan ang isa sa mga maraming ginagampanan ng mga Ama ng pamilya. Sila ang nagtataguyod at bumubuhay sa lahat ng miyembro ng tahanan.
Lahat ng klaseng pagsasakripisyo handang ibigay kahit pa alam nila sa sarili nilang sila’y lubhang nahihirapan na maibigay lang ang pangangailangan ng buong pamilya.
Salat man sa buhay, handang ibuhos ng isang paralisadong Ama na si Tatay Jerry ng Sultan Kudarat ang lahat ng kanyang lakas at makakaya may makakain lang kanyang mga mag-Ina.
“Grabe ‘yung hirap na iisa lang ang paa. Pero kinakaya ko para sa pamilya ko.”
Larawan kuha mula sa post ng KMJS |
Larawan kuha mula sa post ng KMJS |
“Pero kahit anong trabaho, basta kakayanin ng paa ko, gagawin ko para mabuhay lang mga anak ko.”
Larawan kuha mula sa post ng KMJS |
Larawan kuha mula sa post ng KMJS |
“Yung mga butas, nilalagyan ko lang ng epoxy. Tapos ‘yung gilid, nila-lock ko lang gamit ‘yung goma na galing sa gulong ng truck. Sira na talaga.”
Lahat ng pwedeng mapagkakakitaan sa pagbubukid mahirap man at mabigat para ka kanyang kalagayan ay hindi niya pinapalagpas ang mga pagkakataong kumita ng kahit maliit hindi lang magutom ang mahal niyang mga anak.
Larawan kuha mula sa post ng KMJS |
Larawan kuha mula sa post ng KMJS |
Bakas sa mga larawan ang hindi magandang pisikal na sitwasyon ni Mang Jerry pero ngunit patuloy parin ito sa paghahanapbuhay.
Aminado siyang hindi na komportable at nasasaktan siya habang suot-suot ang basag-basag at pinaglumaan nang artificial leg niya.
“Yung artificial leg ko nabasag na siya sa katagalan.”
“Yung pakiramdam sa paa ko, parang kinakagat na. Nagsusugat na rin paa ko. Nagkakapaltos na rin kaya minsan, kapag nagtatabas ako, gumagapang na lang ako sa gitna ng maisan.”
Larawan kuha mula sa post ng KMJS |
Larawan kuha mula sa post ng KMJS |
Wala naman daw siyang ibang mapagpipilian kundi ang pagtiisan ang hirap at sakit para sa pamilya.
“Sobrang hirap. Pero kung hindi ko kasi titiisin, wala akong ipapakain sa mga anak ko.”
***
Source: KMJS
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!