Ama, sinamahan mag-apply ng trabaho ang kaniyang 50-anyos na anak sakay ng kaniyang wheelchair! - The Daily Sentry


Ama, sinamahan mag-apply ng trabaho ang kaniyang 50-anyos na anak sakay ng kaniyang wheelchair!



Isang head-teacher sa isang pampublikong paaralan, ang nagbahagi ng isang kwento, kung saan tampok ang isang ama na todo suporta sa kaniyang anak na nagbabakasakaling makahanap ng trabaho sa kabila ng kanyang kapansanan.

Marami ang naluha at naantig sa pagdedetalye ni Zaldy Ordiales Bueno ng makasalamuha niya ang mag-ama para sa isang 'job interview'.




Ayon sa aplikante na si Edwin Garin 50-anyos na tubong Atimonan, nahinto ang kaniyang pagaaral mula ng siya ay maaksidente. Dahilan kaya nitong 2019 lang niya nagawang makapagtapos ng pag-aaral.

“Na delay po ang pag-aaral ko dahil sa aksidente kaya naka wheelchair po ako. Buti na lang, nakapag-ALS ako noong 2014 at nakapasa sa test at naka graduate ng high school noong 2015.”

Image via pinoytrendingupdatesph

Image via pinoytrendingupdatesph


"Nag college po ako sir para matupad ang pangarap ko. Nag education po ako at nakapasa sa LET noong 2019. Kaya sumusubok po ako ngayong mag-apply para makatulong sa magulang.”

Dagdag pa ni Edwin, anim na taon na siyang matiyagang tinutulak at sinasamahan ng kaniyang 75-anyos na ama, kaya naman ang tanging nais din nito ay masuportahan ang kaniyang magulang.

Image via pinoytrendingupdatesph

Image via pinoytrendingupdatesph


Bukod dito ay kasama niya rin itong umaasa na balang araw ay isa siyang maging ganap na guro.

Matapos marining ang nakakaantig na kwento ni Edwin at ang ipinakitang dedikasyon nito, personal na inirekomenda ni Zaldy ang pangalan ng kaniyang aplikante sa ibang mga paaralan na nag hahanap ng punung guro.

At dahil nga sa kanyang nasaksihan, isang paalala ang iniwan ng punong-guro:

"Sa mga kabataang malalakas pa sa kalabaw?"

"At wala namang mga kapansanan,"

"Sino tayo para sumuko?"

"Sino tayo para bumitaw?"

"Na sa mga hamon ng BUHAY,"

"Sino tayo para umayaw?”

Zaldy Bueno


Sadyang masaklap ang buhay paminsan-minsan, ngunit kung ito ay sasabayan mo ng sipag, tibay ng loob isama mo pa ang iyong mga magulang na laging nasa iyong likuran upang sumuporta at umamalay.

Ay siguradong pagkatapos ng lahat ng iyong pagsusumikap, ika'y magtatagumpay.