Gaano man kahirap ang buhay, patuloy pa rin tayong lumalaban sa araw-araw at nananatiling puno ng pag-asa. Marahil likas na sa ating mga pinoy ang pagiging positibo sa kabila ng mga suliranin na ating pinagdaraanan.
Tulad na lang ng kwento ng kahanga-hangang lolo na ito na trending ngayon sa social media.
Ayon sa netizen na nag-post ng larawan na si Maria Therez Causing, binili ni lolo ang kanyang binebentang table online.
At tila nagkaroon pa ng kaunting kwentuhan ang dalawa dahil sa ibinahagi ng dalaga tungkol sa naging buyer nito na kahanga-hanga.
Kwento nya, ang binili umano sa kanya na lamesa ng matanda ay gagamitin raw nito para sa kanyang trabaho na work-from-home set-up. Nakapasa na kasi umano sa wakas si lolo sa kanyang ina-apply-an na trabaho sa call center. Ito ay matapos ma-reject ang matanda ng labindalawang beses o 12 times mula nang sumubok syang mag-apply bilang call center agent sa iba't ibang kumpanya.
Subalit wala sa bokabularyo ni lolo ang pagsuko kaya hindi raw siya pinanghinaan ng loob, pagbabahagi nya.
Caption ni Maria Therez sa kanyang Instagram story "This man bought my old computer table. Kay ma wfh (work from home) man sya call center."
66-anyos na sa kasalukuyan si lolo, ayon kay Maria Therez.
"He's 66 years old after failing 12 interviews, he finally made it. It's never too late y'all."
Ani Maria Therez sa isang panayam, "He’s already an icon for me. I wish that computer table would give him so much luck and opportunities as it did to me."
Kinilala ang matanda na si Willy Bacutan na aktibo pa ring kumakayod sa gitna ng pandemya sa kabila ng kanyang katandaan.
Payo nya, wag sukuan ang mga bagay na ninanais sa buhay.
“Kailangan lang natin humingi ng tulong sa Diyos, at ang gawa nasa atin 'yun.” ani lolo.
Pagdedetalye nya, “Naka-12 na akong bagsak, 13 na lang. Kaya binilisan ko yung pag-apply.
"Salamat sa Diyos, yung ika-13, natanggap din ako sa wakas.” ika ni lolo.
Biro pa ng matanda, "Kalabaw lang ang tumatanda!"
Ang kwento ng 66-anyos na si lolo Willy ay isang patunay lamang na walang imposible sa buhay at walang pangarap na hindi makakamit kung sipag at tyaga ang mananaig at papairalin sa buhay.
Labis mang sinusubok ng kasalukuyang sitwasyon ang ating katatagan at pasensya, hindi pa rin natin maikakaila na maraming leksyon tayong natututunan sa buhay nang dahil dito. At sa mga panahong naiisip natin na tayo na ang pinakakawawang tao sa mundo, bigla na lang tayong masosorpresa sa kwento ng ibang tao na mas mahirap pa pala ang kalagayan kaysa sa atin ngunit kahit ganoon ay patuloy pa rin silang lumalaban sa buhay.
Naging simbolo ng pag-asa sa nakararami ang istorya ni lolo dahil hindi ito sumuko sa kabila ng napakaraming rejections na pinagdaanan nya, at lalong hindi naging hadlang ang kanyang edad para makamit nya ang kanyang minimithi.
Narito ang ilang comment ng mga netizen: