75-anyos na OPM Rock Legend Mike Hanopol, Viral matapos maningil ng talent fee kay People's Champ Manny Pacquiao! - The Daily Sentry


75-anyos na OPM Rock Legend Mike Hanopol, Viral matapos maningil ng talent fee kay People's Champ Manny Pacquiao!



Tila hindi na nakapagpigil ang 75-anyos Filpino Rock Icon na si Mike Hanopol at ibinulalas ang bugso ng kaniyang damdamin sa kaniyang social media account.

Nito lamang Agosto 21 Sabado, ay nagpost siya sa kanyang Facebook account ukol sa hindi pagbayad ni 8 Division Champ Manny Pacquiao sa kaniyang talent fee.




Habang nakikipagbasagan ng mukha ang pambansang kamao sa Cuban na si Yordenis is Ugas ay siya namang pagkalat ng post ng OPM Legend patungkol sa atraso di umano sa kaniya ng fighting senator.

Aniya, "Sabi Pacman gusto nya makatulong di Importante ang pera sa kanya,”

“E bakit ayaw mo ako bayaran nagpagawa ka ng hebrew songs sa akin i spend money on studio and musician di mo naman ako binayaran san ang tulong na sinasabi mo di ka na naawa matanda na ako niloko mo pa ako,”




Ayon sa ilang balita, personal na nagkita si Mike at Manny noong 2019 na naitampok sa bidyo ni Drew Binsky.

Nabanggit umano dito ni Pacman na marunong itong magsalita ng Hebrew at kinumpirmang nagpagawa si Pacquiao ng Hebrew songs kay Hanopol.

Samu't sari ang naging reaksyon ng mga netizen at karamihan sa mga nag komento sa post ng miyembro ng Juan dela Cruz Band na si Mike ay maaaring nagkaroon lang ng hindi pagka kaunawaan ang dalawang panig.

Pero ayon naman sa naging sagot niya, maraming beses na niyang sinubukang makipagusap at nagpabalik-balik sa opisina ng senador ngunit bigo ito at gutom lamang ang inabot.

Sabi pa ng iba ay malabo anilang magawa ng People's Champ ang naging akusasyon ni Hanopol, lalo na't isa itong respetadong music icon ng bansa.

Mike Abarico Hanopol | Facebook

Makalipas ang ilang araw, isang magandang balita ang natanggap ng Pinoy Rockstar dahil nakausap na daw nito ang isa sa malapit na kaibigan ni Pacquiao na si Lito Camo.

Ayon sa composer na si Camo, siya raw mismo ang aasikaso sa hinaing ni Hanopol.

"OK NA PARE. KUMUNEK NA SI LITO CAMO. HININGI NA NYA ANG DETALYE. 3 KANTA. HEBREW SONGS. SYA NA AASIKASO NG LAHAT." saad nito.


Public Photos | Facebook

Public Photos | Facebook


Bagamat tila kalmado na ang tensyon sa panig ni Mike Hanopol, inaabangan pa rin ng marami ang opisyal na pahayag ng kampo ni Pacman hinggil sa isyu.

Source: DZRH News Television | Facebook