Higit kailanman ay hindi matatawaran ang pagmamahal na kayang ibigay ng isang ina sa kanilang anak. Lahat ng abot sa kanilang makakaya ay handang ibigay, maiparamdam lang ang walang katumbas nilang pag aaruga.
Sa isang post na ibinahagi ni Chee Presbitero sa kaniyang Facebook account, ipinakilala nito si Nanay Erlie.
Isang 74 taong gulang na ina, na mag-isang nagsusumikap upang makabili ng pagkain sa araw-araw. Kasama nito ang anak niyang na-stroke na dahil sa karamdaman ay hindi na magawang makatulong upang matustusan ang kanilang pang araw araw.
Kapos at tanging pangangalakal lamang ng basura ang pinagkakakitaan ni Nanay Erlie. Dahil sa katandaan ay hindi na nito nagagawang pang lumayo at umaasa na lang sa mga kalakal na ibinibigay ng kanilang kapit bahay at kaunting barya mula sa ibang tao.
Chee Presbitero | Facebook
Chee Presbitero | Facebook
Sa kakarampot na kinikita, ay pilit pa niya itong pinagkakasya upang siya ay makabili ng mga gamot at diaper para sa kaniyang anak.
Dahil sa pagod at hirap ay naisipan ni Nanay Erliena na pakiusapan si Chee na gumawa ng paraan ng sa gayon ay may tumulong sa kanilang mag-ina. Nabanggit din nito na silang dalawa na lang ang magkasama sa buhay.
Chee Presbitero | Facebook
Chee Presbitero | Facebook
Isang simpleng hiling na agad tinugunan ni Chee at ibinahagi ang kalagayan ng mag-ina sa kaniyang Facebook account.
Umantig ito sa damdamin ng marami at agad silang nabigyan ng tulong.
Lubos din ang paghanga at pagsaludo ni Chee sa kadakilaan ng inang si Nanay Erlie.
Pahayag nito:
"Hanggang kailan ba matatapos ang responsibilidad.ng isang ina?"
"pag malaki na ang anak.nila?"
"pag napag tapos na ng pag aaral?"
"pag may trabaho na ang anak?"
"o pag my sarili na itong pamilya?"
"hindi..ang responsibilidad ng isang ina ang natatapos lang sa kanyang kamatayan.. SALUDO ako sa mga ina katulad ni nanay erlie sa idad nyang 74y.o ay nangangalakal parin sya ng basura para may pang tustos sa kaniyang anak.. "
"Mabuhay po kau!"
Chee Presbitero | Facebook
Tunay na kahanga-hanga na hindi naging hadlang ang kahinaan nito upang gampanan ang kaniyang responsibilidad.
Sa huli, ay nagpasalamat ito sa mga tumulong at sa mga patuloy na nagnanais ibsan ang hirap na dinaranas ng mag-ina.
Source: Chee Presbitero | Facebook
Source: Chee Presbitero | Facebook