Ginulat ng 11 taong gulang na bata mula Ifugao ang social media ng kumalat ang balita na nakapulot ito ng 102,000 daan lilbong piso at walang pag aatubiling isinaoli ito sa may-ari.
Ang nasabing bata ay si Denard B. Uy-uyon, isang grade 5 student ng Panutbtuban Elementary School, Asipulo District sa Ifugao.
Sa panahon ngayon, ang karamihan sa mga kabataan ay masyado ng mulat sa reyalidad at may mga ibang nalilihis na ng landas dahil sa impluwensiya ng iilan, pero ibahin niyo ang batang si Denard.
Ayon sa mga balita, natagpuan umano ni Denard ang lukbot o maliit na bag na pagmamay-ari ni Myrna Naaliw sa loob ng sinasakyan nitong dyip pauwi.
DepEd Tayo Ifugao | Facebook
DepEd Tayo Ifugao | Facebook
Bagamat napakalaki ng halaga nito, agad ipinaalam ng matapat na bata sa kaniyang ina ang tungkol sa napulot niyang 'pouch'.
Sa kabutihang palad, ay tagumpay na nakipag-ugnay ang kampo ni Denard kay Myrna at naipahatid ang magandang balita na ang nawalang malaking halaga ay ligtas at nasa mabuting kamay.
Ang malaking halaga umano ay pagmamay-ari at pondo ng kumpanyang kinabibilangan ni Myrna.
DepEd Tayo Ifugao | Facebook
DepEd Tayo Ifugao | Facebook
Laking pasasalamat nito sa bata at bilang gantimpala ay pinagkalooban nila si Denard ng 10,000 libong piso, dahil sa pagpapamalas nito ng kanyang kabutihan.
Kinilala at binigyang parangal din si Denard ng Sangguniang Panlalawigan (SP) of Ifugao Province nitong Agosto 16 2021. Kasabay ng kanilang flag ceremony, iginawad sa tapat na bata ang sertipiko ng papuri bilang pagkilala sa kaniyang ipinakitang katapatan at kabayanihan.
DepEd Tayo Ifugao | Facebook
DepEd Tayo Ifugao | Facebook
Sa panahon ngayon, bibihira na ang mga batang kagaya ni Denard. Malaking bahagi dito ang tamang pag-gabay ng mga magulang sa kanilang mga anak upang lumaki itong mabuti at matapat.
Sana ay marami ang nabigyang inspirasyon ng kwentong ito at maging mabuting halimbawa sa mga bagong henerasyon.
Source: DepEd Tayo Ifugao | Facebook