The Voice Kids' Grand Winner Lyca Gairanod, sinorpresa ang lolang nakakasama niya noon sa pangangalakal. - The Daily Sentry


The Voice Kids' Grand Winner Lyca Gairanod, sinorpresa ang lolang nakakasama niya noon sa pangangalakal.



Maraming naantig na puso ng tulungan ng “The Voice Kids” 2014 grand winner na si Lyca Gairanod ang isang lola nakahit sobrang hina na, ay nangangalakal parin.

Nagsisilbi umano itong pagbabalik-tanaw para sa kapamilya biritera, noong mga panahong siya ay 9-anyos pa lamang ngunit nangangalakal at nagbabanat ng buto sa kaniyang murang edad.




Kaya nagdesisyon si Lyca na bigyan ng kahit na kaunting tulong at ayuda ang matanda dahil ramdam nito ang kaawa-awang kondisyon ni lola sa buhay.

Kinilala ang matanda na si Lola Ising, na nauna ng naibahagi ni Lyca sa kaniyang followers kung saan una niya itong nakita na namamasura.

“May nakita po akong matanda, kitang-kita ko po sa kanya yung ginagawa ko nu’ng bata pa ako."

Lyca Gairanod | Facebook

Lyca Gairanod


“Pero siya kasi, nu’ng nakita ko siya, talagang yung parang nabiyak yung puso ko. Alam mo yung nararamdaman ko nung nangangalakal pa ako."

Bukod sa kanya, marami ring mga taga suporta at mga nakakita sa kalagayan ng matanda ang nagtulak na gawin ni Lyca ang pagtulong rito.

Dahilan para kaagad na ipahanap ni Lyca ang matanda upang matugunan ang hiling ng kaniyang puso at ng kanyang mga followers.

Lyca Gairanod | YouTube

Lyca Gairanod | YouTube


Matapos mamili ng mga pagkain sa grocery, dumaan pa ang grupo ni Lyca sa isang tindahan upang dagdagan ng mga prutas ang kanilang ibibigay kay Lola Ising.

Habang papunta na sila Lyca sa matanda ay naalala nito umano noong bata pa siya, na parang nakakasabay pa niyang mangalakal si Lola Ising.

Lyca Gairanod | YouTube

Lyca Gairanod | YouTube


“Actually, nung bata ako, parang nakikita-kita ko na siya, e. So, parang sabay kaming nangangalakal dati."

“Nakita ko si Lola nu’ng bata pa ako. Hanggang ngayon nangangalakal pa rin siya."

Nang marating nila Lyca ang kinarorooanan ng matanda, bumunga sa kanila ang nanghihinang si Lola Ising na may hawak na isang pirasong tinapay.

Aniya, hindi siya makapagtrabaho dahil sa sakit kaya ito lang ang kaniyang kinakain.

Dagdag pa nito, hindi siya maaaring tumigil sa pangangalakal gawa ng wala naman siyang ibang inaasahan.

Lyca Gairanod | YouTube

Lyca Gairanod | YouTube


Sa kitang naglalaro sa 20 hanggang 30 pesos, binubuhat ni Lola Ising ang mabigat at kilo-kilong kalakal upang maibenta sa 'junk shop'

Kaya naman lubos ang pasasalamat ng kawawang matanda ng ipakita ni Lyca ang munting handog nila rito upang makaraos sa pangaraw-araw at kahit papano ay makapag pahinga rin si lola.

Hindi man ito maging sapat para tuluyang mapahinto si Lola Ising sa kaniyang pangangalakal, sigurado namang napakalaking kaginhawahan ang naihatid ni Lyca sa puso nito at sa kaniyang nanghihinang pangangatawan.

Lyca Gairanod | YouTube



Source: Lyca Gairanod