Sa kabila ng kapansanan, Isang ama ang patuloy na kumakayod bilang fishball vendor para maitaguyod ang pamilya - The Daily Sentry


Sa kabila ng kapansanan, Isang ama ang patuloy na kumakayod bilang fishball vendor para maitaguyod ang pamilya




Screencap photos from Facebook @Alvin Manalang



Hindi matatawaran ang pagmamahal at sakripisyo ng isang ama para maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.

 

Nararapat lamang na tawagin silang “haligi ng tahanan” dahil napakalaki ng kanilang ginagampanan sa isang pamilya. Sila yung tao na una nating hinahangaan at nais tularan sa ating paglaki.  *


Lahat ay kanilang gagawin upang matustusan ang pangangailan ng pamilya, handang suungin anumang panganib at lahat ng paraan ay gagawin maitaguyod lang ang kanyang pamilya.

 

Isa na rito ang kwento ni Mang Noel Perez, na kanyang ibinahagi sa GMA Public Affairs Exclusive kamakailan. Ayon kay Tatay Noel o Mang Weng kung tawagin ng kanyang mga suki.

 

Kahit na hindi napagkalooban ng kumpletong pangangatawan si Tatay Noel, hindi naman sa nagkukulang sa kaniyang pamilya.

 

May kapansanan ang ulirang ama, patuloy pa ring nagsisikap si Mang Weng bilang isang fishball vendor kahit pa putol o kulang ang kanyang mga kamay at mga daliri.


Nag-viral sa social media at hinangaan ng mga netizens si Mang Weng dahil sa kaniyang pagsusumikap na maitaguyod ang kanyang pamilya at patuloy na nagbabanat ng buto sa kabila ng kanyang kapansanan at nakuha nyang mamuhay na animo’y walang kapansanan. *

 

Screencap photos from Facebook @Alvin Manalang



Ayon sa salaysay ni tatay Noel, taong 1983 nang maputol ng isang kamay niya at nabaldado naman ang kabilang kamay nang matapos itong makuryente sa dati niyang pinapasukang construction site.

 

Sa kabila ng kaniyang kalagayan, hindi siya nawalan ng pag-asa at patuloy sa hamon ng buhay at hanggang sa napagtapos niya pa sa pag-aaral ang dalawa niyang anak.

 

Sa ngayon, patuloy na naghahanap buhay si Tatay Noel upang mapunan ang pangangailangan sa pagpapagamot ng kaniyang may bahay. Bagaman may trabaho na ang kanyang anak ay di ito sapat sa kanilang mga gastusin.


"Nakapag-abroad nga po 'yung anak ko pero mahina po 'yung sahod. Kailangan ko pong magtrabaho 'yung sa misis ko po kailangan pa 'yung medication," pahayag ni Tatay Noel.

 

Kaya naman mahirap ang buhay at wala sa bokabularyo ni Tatay Noel ang sumuko sa hamon ng buhay para maibigay ang pangangailang ng kanyang mga mahal sa buhay.

 

Mabuhay po kayo, Tatay Noel at nawa’y magsilbing inspirasyon kayo sa ating mga kababayan lalo na sa mga haligi ng tahanan. Kasihan nawa kayo palagi ng may kapal. *


Screencap photos from Facebook @GMA Public Affairs Exclusive