Mula sa pagbebenta ng tali sa buhok. Isang ama, napagtapos ng kolehiyo ang kaniyang 4 na anak. - The Daily Sentry


Mula sa pagbebenta ng tali sa buhok. Isang ama, napagtapos ng kolehiyo ang kaniyang 4 na anak.



Usap-usapan ngayon sa social media ang isang kahanga-hangang ama, nang magviral ang kwento nito tungkol sa pagsusumikap na makabenta ng mga scrunchies o pang tali sa buhok.

Mabilis na kumalat ang mga litrato ni tatay Geronimo na kuha ni Karissa Mae Nieverra nang ito ay ibinahagi niya kanyang Facebook account.




Ayon kay Karissa, isang araw ay naglalakad siya sa kahabaan ng Puregold monument nang makita niya si tatay Geronimo na naglalako ng mga tigsasampong pisong panalli sa buhok.

Bagamat mura man ang kaniyang mga paninda, kitang kita naman na may maganda itong klase at kalidad.

"Was walking along Puregold Monumento when we saw Tatay selling these cute scrunchies for only 10php."

Karissa Mae Nievera | Facebook

Karissa Mae Nievera | Facebook


Kinilala si tatay Geronimo bilang isang masipag at mapagmahal na ama sa kaniyang mga anak. Kaya naman dahil dito ay nagbunga ang kanyang lubos at kahanga hangang pagsusumikap, nang sabay sabay niyang maipagtapos ang kaniyang apat na anak mula sa pagaaral sa kolehiyo.

"Dahil sa sipag ni Tatay, napagtapos na pala n'ya ang kanyang apat na anak. Salute to Tatay Geronimo!!"




Karissa Mae Nievera | Facebook


Buong pagmamalaki itong sinabi ng nagpakilalang anak ni tatay Geronimo na si Geronimo Tolibas Jr. kay Karissa, kaya ganun na lamang ang patuloy na paghanga ng mga netizens sa dakilang ama na ito.

Tinatayang sobrang proud ng tinderong ama na ito sa kaniyang mga anak ngunit tiyak namang mas saludo ang kaniyang mga anak sa kaniya dahil sa pagpupursigi nitong maigapang at magsumikap upang matustusan ang mga pangangailangan ng mga ito, lalo na para sa kanilang pagtatapos ng pag-aaral.

Karissa Mae Nievera | Facebook




Sa kahiwalay na post naman ni Karissa, ay ibinahagi nito post ng patuloy na pagdagsa ng suporta sa paninda ni tatay Geronimo.

Dahil sa kanyang nakakahangang kwento, dumami ang nagnanais na bumili ng kanyang paninda upang makatulong sa kanyang mumunting hanapbuhay.

Karissa Mae Nievera | Facebook


Maging ano man ang hanapbuhay o pinagkakakitaan ng ating mga magulang basta ito ay marangal, hindi dapat ito ikahiya ng kanilang mga anak, bagkus ay dapat na ito’y ipagmalaki dahil ito’y isang pagpapakita na pagmamahal ng isang magulang.

Tunay na kahanga-hanga ang kwentong ito tungkol sa likas na katangian ng isang magulang. Kaya naman sa mga huwarang ama diyan na tulad ni tatay Geromino, nawa’y magkaroon pa kayo ng lakas at napakaraming taon sa inyong mga buhay at patuloy sana kayong maging inspirasyon para sa lahat.