Mga kinaing handa sa party, ayaw bayaran dahil hindi umano 'worth it' sa presyo: "Mayaman, pero nang-aapak ka ng tao" - The Daily Sentry


Mga kinaing handa sa party, ayaw bayaran dahil hindi umano 'worth it' sa presyo: "Mayaman, pero nang-aapak ka ng tao"



Marjorie Alison | Maria Holfs

Normal na sa mga pinoy ang handaan mapa-bongga o simpleng kainan man sa tuwing may mga espesyal na okasyan sa pamilya.

Kaya naman pinaghahandaan ang mga ibat-ibang klase ng mga pagkaing ihahanda sa araw ng selebrasyon para sa masarap na salo-salo ng buong pamilya at mga bisita. 

Ngunit mabubusog ka kaya kung ang lahat ng kinakain mo ay hindi pa fully paid? At ayaw bayaran dahil hindi umano “worth it” dahil kaunti lang ang mga binigay na ulam sa presyo ng napagkasunduang “Food Package”.


Kumakalat ngayon sa internet ang isang viral video tungkol sa isang tagpo kung saan sumugod ang may-ari ng pinag-oorderan ng mga “Food package” sa bahay ng kanyang kliyente dahil sa tumanggi umano itong bayaran ang balanse nito sa inorder na mga pagkain dahil hindi sila satisfied.


“Si madam ayaw magbayad sa kinain lechon package ko ayaw mag full pay kasi hindi daw satisfied pero kinain lahat lechon package ko.. asan hustisya ng mga small business owner lalo na sa online lang naghahanap buhay,” saad ni Alison sa kanyang post.



Lakas loob na sumugod at kinuhanan ng video ni Marjorie Alison ang buong pangyayari upang singilin ang kulang na bayad ng kanyang customer na si Maria Holfs. 

Bago paman din sumugod si Alison, tumanggi ng umanong magbayad si Holfs kahit pa pinuntahan na ito ng mga barangay tanod upang maayos at mabayaran ang kulang. 

Ang kabuuang halaga ng food package ay 18k. May walong food trays na, dalawang fruit trays, at isang malaking buong lechon. 


“Hi Ma’am, magandang hapon. Ako yung inorderan niyo ng Lechon Package. May kulang pa kasi na PHP10,200.” saad ni Alison sa video.


“Excuse me ha. Hindi talaga ako magbabayad sayo ng buo sa lahat ng mga yan,” sagot ni Holfs.



“Nagdeposit na ako sayo ng PHP9,000. Kasi ang nangyari from 18k tapos naging 19k. Yang lahat na mga pagkain na yan, dapat di yan ganyan. Kasi ang sabi sa akin, good for 50 to 60 person.” Dagdag pa nito. 

“Ma’am kasalanan ko ba kung yang mga bisita mo ay malalakas kumain o hindi. Basta yan ang package ko.” paliwanag ni Alison.

Dito na nagkainitan ang sagutan ng dalawa. At ayun kay Holfs, kung nais talaga siyang singilin, kailangan niya ng resibo para maireport niya ito sa BIR. 

“Mali ka. Sa lahat ng party ko, ito yung pinakadugyot. Dugyot party ever. B*llsh*t. Nirekomendahan lang ako ng ganito lang,”


Hindi nasiyahan si Holfs sa mga dinalang pagkain para sa kanilang party. At nagbantang isampal ang mga pagkain sa mukha ni Alison at nagpapatawag pa ng pulis dahil daw sa trespassing.


“Yes, property mo to, pero food package ko to, hindi pa ito fully paid, pwede ko tong kunin lahat. Ma'am nang-aapak kana ng tao. Ang liit lang ng halaga nito. Afford mo to pero bakit kami yung kinuha mo?” saad ni Alison.

“Manloloko kayo. Tignan mo yung pagkaing binigay mo sa amin, parang pang 5k lang.” bintang ni 
Holfs

Ang buong akala ni 
Holfs ay may refill pa ang nasabing food package na hinanda ni Alison.

“Sayang, mayaman nga ang tingin mo sa sarili mo pero nang-aapak ka naman ng ibang tao. Grabe. Kumain kayo ng hindi pa fully paid,”

Kaya umuwing luhaan sila Alison at walang nakuha ni-pisong kulang sa mga ulam. 


Sa ngayon, umabot na ng lagpas 4Million views ang nasabing video post ni Alison.


Maging ang mga netizen ay nagbigay ng kani-kanilang mga komento at opinyon tungkol sa video at naging asal ni Holfs. 


***

Source:  Marjorie Alison

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!