Talagang napakalaking problema ang idinulot sa atin ng p*ndemya dahil marami sa atin ang nawalan ng trabaho o hanapbuhay.
Photo credit: Kevin Crispino
Wala naman tayong dapat sisihin dahil kailangang magpatupad ang gobyerno ng ilang mga batas at polisiya upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit.
Ngunit dahil marami sa atin ang kumakalam ang sikmura, kailangan pa rin nilang gumawa ng paraan upang may maipantawid gutom sa kanilang pamilya.
Nagkaroon man ng ayuda ang gobyerno ngunit hindi ito naging sapat para sa buong mamamayan ng ating bansa.
Katulad na lamang ng isang matandang tindera na patuloy pa rin ang pagtitinda sa kalsada upang sa gayon ay mayroon siyang maibigay sa kanyang pamilya sa araw-araw.
Ngunit dahil ipinagbabawal na rin ang pagtitinda sa mga sidewalk o gilid ng kalsada ay isa si lola sa mga napatalsik sa kanyang pwesto.
Ayon sa awtoridad, kinailangan nilang paalisin, kuhanin, at sirain ang paninda ng ilan upang hindi na nila ulitin ang pagtitinda sa kalsada.
Sa Facebook post ng netizen na si Kevin Crispino, ibinahagi nito ang mga larawan ng matandang babae na umiiyak habang pilit na inaayos ang kanyang mga panindang nasira.
Maraming mga netizens ang naawa at nahabag sa kalagayan ng matanda at sa iba pang mga vendor na nakaranas din ng kaparehong sitwasyon matapos silang palayasin sa kanilang pwesto.
Photo credit: Kevin Crispino
Photo credit: Kevin Crispino
“Minsan sa kagustuhan nating mapaganda ang isang lugar, nakakalimutan na natin maging makatao,” caption ni Kevin sa kanyang post.
Mabilis na nag-viral ang post ni Kevin at umabot ito ng 89k reactions, 3.3k comments at 147k shares.
***
Source: Kevin Crispino | Facebook
Source: Kevin Crispino | Facebook