Matapang na sumagot ang isang netizen na si Lane Manlapaz, 18 taong gulang mula Caloocan CIty, nang kamakailan lang ay punahin ang kaniyang litrato. Kung saan kapansin-pansin ang kulay ng kanyang kili-kili.
Ilan sa mga naging komento ay "grabe naman kung ganyan kaitim", "oo walang mali pero sana huwag niyong itolerate yan", "y*cccckk bili ka pampaputi ghourl pls habang maaga pa"
Pero imbis na magalit, mapagpa-kumbaba nitong sinagot at binigyan ng malawak na kaalaman, ang mga taong walang habas na nanlaït sa kaniya.
Aniya, "BODY HAIR DOESNT CAUSE BAD ODOR. The main cause of it are the bacteria combining with the fluids released by your apocrine glands. Although, it gives bacteria more surface to cling to, it is not the MAIN cause. If you clean your bits regularly, you are good. DARK ARMPIT DOESNT MEAN BAD ODOR. Again, the main cause of bad odor are the bacteria. There are reasons why dark armpits exist and one of them are medical conditions. DARK ARMPIT AND BODY HAIR DOESNT MEAN UNHYGIENIC. It's not dugyót."
Lane Manlapaz | Facebook
Binigyang diin nito na ang kaniyang mga larawan ay upang magsilbing paalala para sa mga indibidwal na nakakaranas ng kaparehong sitwasyon, na ayos lang ito at hindi dapat na ikahiya.
"How my underarm looks like or kung gano man siya "kadilim" is none of your business. The picture has a filter. It may or may not have darken it more, but I don't owe any of you an explanation. Especially about my personal bits and what I do with it. If you have white armpits, good for you."
Lane Manlapaz | Facebook
Lane Manlapaz | Facebook
"My post is directed towards people who share the same case. TO REMIND THEM THAT IT IS OKAY TO BE PROUD OF WHAT YOU HAVE while working to make it better. Hindi ba pwedeng mag-enjoy at maging kumportable sa sarili mong katawan regardless of how it looks like?"
Ngunit bukod sa pangungutya at mga maaanghang na komento na kaniyang natanggap, ay marami rin naman ang humanga, tumaas ang kumpyansa at pumuri sa naging matapang na sagot ng dalaga.
"You don't have any idea how many girls have messaged me saying, "thank you, kasi gustong gusto ko po talaga magsuot ng sleeveless tops pero nahihiya po ako tsaka takot malaït". If you have white underarms, you are not my tärget audience. If you didn't like what you see, feel free to scroll down."
Lane Manlapaz | Facebook via Brigada
Sa huli, pinaalala nito na, "BODY HAIR IS NORMAL. Why would you normalize something that is already normal?"
"Also remember: What you say about me and other people says something more about you."
Ang kwentong ito ni Lane Manlapaz ay naitampok din sa Brigada ng GMA Public Affairs kung saan sinabi niyang,
"Na-realize ko po na kapag mahal mo po 'yung sarili mo, wala na pong kahit ano, kahit sino na makakapagsabi sa inyo kung ano po 'yung dapat na itsura n'yo kahit tignan pa po nila kayo, kahit anong sabihin nila sa inyo. Kapag tanggap mo yung saril mo, TANGGAP mo yung sarili mo."
Lane Manlapaz | Facebook
Lahat tayo ay may kanya-kanyang katangian. Kaaya-aya man ito o hindi sa iilan, ay dapat nating mahalin kung ano man ang ipinagkaloob sa atin, imbis na magpaapekto sa komento ng iilan.
Narito ang kabuuang salaysay ni Lane sa kaniyang Facebook account:
Source: Lane Manlapaz | Facebook