Nananawagan ang isang concerned netizen na tulungan ang mag-amang palaboy-laboy sa kalsada at kung saan saan lang natutulog.
Ayon kay Reymark Ogaya Alano, wala umanong mauwian ang mag-ama matapos silang iwan ng kanyang asawa. Mula sa Urdaneta Pangasinan si tatay at ang anak nito.
Isang taong gulang lamang ang anak ni tatay at dahil walang maipambili ng gatas ay tubig lang ang dinedede nito.
“Please sa may mabuting puso, si Lord na bahalang magbalik kung ano man yung pwede niyo pong maitulong,” post ni Reymark.
Sa Facebook page naman ng Dagupan Today, “kasalukuyang nasa isang bahay ng isang mabuting lalake sa Gatchalian 1, Parañaque, ang mag-ama.”
"Ayon din kay Kristel Fabilane Redoblado, isa sa mga nag-abot ng tulong, ay pwedeng makausap si tayay sa pamamagitan ng kanyang cellphone number 09615554360."
"Sa may mabubuting puso diyan, sana matulungan po niyo si tatay (taga Urdaneta Pangasinan) at ang kanyang anak na isang taon pa lang. Wala po silang inuuwian, madalas sa kalsada lang sila natutulog dahil iniwan daw sila ng kanyang asawa... Tingnan ninyo dahil sobrang nakakaawa tubig lang yung dinedede ng bata. Please sa may mabuting puso, si Lord na bahalang magbalik kung ano man yung pwede niyo pong maitulong,” post ni Reymark.
***
Source: Dagupan Today