Lalaki, hindi mapakasalan ang girlfriend dahil hindi kaya ang 'Kasalang Batangas' - The Daily Sentry


Lalaki, hindi mapakasalan ang girlfriend dahil hindi kaya ang 'Kasalang Batangas'



Photo grabbed from Google | Credit to the owner

Paano nga ba isinasagawa ang tradisyonal na kasalang Pilipino? Ang tradisyunal na kasalang Pilipno ay nagsisimula diumano sa pamamanhikan, kung saan maghaharap sa isang piging o munting salu-salo ang pamilya ng lalaki at babaeng nagnanais na makasal.

Sa pagkakataong iyon pinag-uusapan at pinagkakasunduan ang mga detalye ng magaganap na kasalan. Mahusay na pinagpaplanuhan ng magkabilang panig kung kailan at saan gaganapin ang kasalan at ang mga hangganan ng mga gastusin ng bawat pamilya.



Photo grabbed from Google | Credit to the owner

Ngunit paano kung hindi magkasundo ang dalawang panig dahil sa mga 'demands' na hindi raw kakayanin ng isa?

Isang halimbawa dito ay ang kwento ng isang netizen tungkol sa kanyang personal na karansanan kung saan hindi raw niya diumano mapakasalan ang girlfriend dahil sa 'Kasalang Batangas' ang hinihiling nito at ng pamilya.

Ano nga ba ang 'Kasalang Batangas' at bakit tila mahirap ito matupad para sa iba. Sabi nila kailangan raw ihanda ang bulsa kung ikaw ay magpapakasal sa isang Batangenya. Bakit? Dahil mahigpit sila sa tradisyon na halos lahat ng kanilang kamag-anak, kabaryo, kalugar at kakilala ay imbitado sa espesyal na araw na ito.

Kaya naman hindi maaari na simpleng kasalan lamang ang magaganap at sabi nga ng iba ay kahit ipangutang pa ang gagastusin dito ay gagawin nila, matuloy lamang ang selebrasyon.


Photo credit to Reddit

At ito nga ang reklamo ng netizen na naglabas ng kanyang hinaing sa isang Facebook group na "CFO PESO SENSE" kung saan siya ay humihingi ng payo kung ano nga ba ang kanyang dapat gawin dahil kulang ang kanyang budget para sa isang magarbong 'Kasalang Batangas'.

Narito ang buong Facebook post:

"HINDI KAYA ANG KASALANG BATANGAS

#PayongKapeso

Hi good day po sana matulungan nyo po ako ilang buwan ko na to dinadala at nastress na talaga ako sanamapayuhan nyo ako. So ito na po may gf po ako nabuntis ko po sya mahal ko naman po. nung nag umpisa ang pandemic dun ko pa sya nabuntis ngayon nagkaanak na sya. Matagal ng ibinubulong at sinasabi sakin ng pamilya nya ang kasal, para sa akin ok naman ikasal kami gusto ko sana ay simple lang muna tutal naubos nadin naman na ang pera ko dahil sa panganganak nya at cs pa sya nung lumabas si baby ngayon nag padala sakin si papa ng pera pinahiram nya ako para mapakasal kami

Ang naipadala nya sakin ay almost 90k ngayon nung sinabi ko sa pamilya nya na may pera si papa na naipadala sakin na ganyang halaga ang sabi pa sakin nila kulang daw un(batanggas kasi). Pero sila wala naman pera namaiambag sa gusto nilang kasal .


Sinasabi ko naman sa asawa ko ang sitwasyon at wala namn kami lalo na ngayon at ang hirap ng pasok ko sa trabaho sobrang baba ng kita dahil pandemic pero ang misis ko parang di nya maintindihan ang sitwasyon sinasabi pa nya sakin di daw ba sya deserve sa magandang kasal wala nmn sana problema kung marami akong pera pero wala e. Tuwing punta ko sa kanila dahil na sa probinsya sila at ako naman nag wowork e laging nag papahaging ang iba nyang angkan kung kelan daw..

Mismo kami at pamilya ko ay nabastos nung tinanong si mama ng mag kano ang pera namin nung sinabi ni mama na ganito pa lang ang pera namin ay parang kinutsya pa kami.. Ano po ba ang dapat kong gawin ung asawa ko sabi ko sumama muna sakin dito samin tutal may sideline naman sya dito pero parang ayaw nya umalis sa kanila.. Gusto ko sana simpleng kasal lang para meron pa kaming maitabing pera para kay baby pero ang gusto nya ay ipang kasal daw at gusto pa ung magara. Haist. Mali po ba ako. Sana mapayuhan nyo ako mga ka peso."

***

Ano ang masasabi niyo sa tradisyong ito? Pabor ba kayo sa 'Kasalang Batangas'?