Isang kwento ngayon ang pinaguusapan at patuloy na hinahangaan ng mga netizens dahil sa karanasan ng isang mental patient na magisang nag sumikap at nakapagtapos ng pag aaral.
Siya si Sie Lok Camarote o "Lau" na nakapagtapos sa kursong Psychology at kamakailan lang ay nagbahagi ng kaniyang kahanga-hangang kwento ng tagumpay at pag-asa.
Mas kilala raw siya at tinatawag ng marami bilang Lau, 18-anyos pa lamang siya noong ipasok sa isang Mental Hospital dalawang linggo bago ang kaniyang kaarawan ng dahil sa isang "Major Depr3ssive Disorder"
Noong mga panahong iyon ay wala siyang katuwang sa pagharap sa kaniyang karamdaman. Ayon sa kaniya, noong panahong ding iyon ay hindi pa gaanong sineseryoso ang pagsubok na kaniyang naranasan.
Madalas siyang pinangungunahan ng takot sa mga bagay-bagay hanggang sa pakiwari niya ay parang hindi na niya nakikilala ang kaniyang sarili.
Sie Lok Camarote | Facebook
Palagi rin siyang nakakapagsinungaling upang makagawa ng mga dahilan, para lamang makaiwas sa mga sitwasyon o kaganapan na hindi komportable para sa kaniya o hindi niya nagugustuhan.
Hanggang sa dumating ang punto na hindi na nakabubuti sa kaniya ang ganitong pamamaraan.
Tuwing nagbabalik tanaw, ay naalala ni Lau ang kaniyang madalas na pagiging mapag isa. Ito ang paraan niya na matulungan ang sarili sa pinagdadaanan.
Hindi nililimitahan ni Lau ang kaniyang sarili ng humingi ng tulong sa tuwing ito'y inaatake ng kaniyang karamdaman, ngunit mas minabuti nito na matutong lumaban ng mag isa dahil kakaibang pakiramdam ang dulot nito para sa kaniya.
Walang pinansyal na tulong o suporta na nakuha si Lau sa kaniyang mga magulang ngunit nagawa parin niyang makapagtapos ng pag aaral sa kursong Psychology sa tulong ng ilang kaibigan at babaeng hindi na pinangalanan, na kapareho niya ring may karamdaman.
Sie Lok Camarote | Facebook
Aniya, ang tagumpay na ito ay inaalay niya sa mga taong nakakaranas ngayon ng d3presyon.
Ito ang ipinangako niya sa mga nakasama niya sa ospital, ang makatulong sa mga may kapareho niyang sakit at karanasan.
Nais niyang maibahagi sa lahat ang kaniyang kwento ng tagumpay dahil para sa kaniya, ang maging isang mabuting halimbawa at inspirasyon ay ang magsisilbing katuparan sa kaniyang pangako.
Lubos na humanga ang maraming mga netizens sa paglathala at matapang na pagharap ni Lau sa isang mabigat na hamon ng buhay.
Marami ang na inspire at nagpaabot ng pagbati, hindi lang dahil sa pagtatapos niya ng pag aaral kundi ganun din sa pagkakapanalo niya sa isang laban na kailanman ay hindi natin dapat na sinusukuan.
Narito ang kanyang buong salaysay:
Source: Sie Lok Camarote | Facebook