Kahanga-hanga itong grupo ng kabataan na nakapulot ng pitaka, imbis na masilaw sa malaking halaga ay ibinalik ito sa may-ari. - The Daily Sentry


Kahanga-hanga itong grupo ng kabataan na nakapulot ng pitaka, imbis na masilaw sa malaking halaga ay ibinalik ito sa may-ari.



Kabataan, sila ang itinuturing na pag asa at kinabukasan ng ating bayan. Kaya naman nakakatuwang isipin na sa ganitong panahon ay may mga napapabalita pa rin na mga batang may mabubuting kalooban.

Katulad na lamang ng istoryang ito ng isang grupo ng kabataan, na nagsauli ng pera imbis na ito'y pag interesan.




Sa Facebook post ng isang netizen na si Maricel Nchik Icamina, isang gabi ng Martes ay may nasalubong siyang isang grupo ng mga kabataang lalaki sa Bayan ng Banga.

Nang tanugin ang mga ito kung ano ang ginagawa nila, sinabi ng mga kabataan na sila ay nakapulot ng isang pitaka sa harapan ng Living Water, Poinsettia Street Poblacion Banga, Aklan.

Maricel Nchik Icamina | Facebook

Maricel Nchik Icamina | Facebook


Hindi biro ang nasabing halaga na nilalaman ng wallet na nasa 10,500 libong piso kasama ang isang "driver's license" at ilang pagkakakilanlan ng hinihinalang nagmamay-ari nito na nasabing taga Barangay Cerrudo.

Pero buong pagmamalaki namang sinabi ng grupo kay Maricel na natawagan na nila ang may ari nito upang makipagkita at tiniyak na isasaoli ang kanilang mahahalagang bagay na natagpuan.

Maricel Nchik Icamina | Facebook

Maricel Nchik Icamina | Facebook


"sangka grupo it mga binatelyo sa  banwa it banga nakakita it kahita sa daean sa prente it Living Water, Poinsettia Street Poblacion Banga, Aklan, nga may sueod nga kwarta nga ga balor it P10,500 , drivers license ag I.D nakita da makara nga gabie ag wa nagduha duha do mga unga nga ibalik ag tawagan do   tag ana nga  taga brgy. Cerrudo or Palale Banga, Aklan"

Kaya naman marami ang humanga at pumuri sa mga kabataan na ito na hindi nagpasilaw sa napulot nilang salapi bagkus ay nangibabaw ang kabutihan ng puso at katapatan ng mga ito.

Ayon pa sa isang netizen na nag komento:

"I salute sa mga kabataang eto! d kayo natinag sa halaga ng pera, pinili nyo prin gumawa ng mabuti, good example kayo sa mga mga kabataan ngayon, ipagpatuloy nyo lng ang mga gawaing kalugodlugod sa PANGINOON nang sa ganun higit pa sa pinapangarap nyo ang ibibigay ng PANGINOON sa inyo.God bless you all."

Narito ang kabuuang post ni Maricel: