Kahanga-hanga! Isang Grade 10 Sudent, May-ari na ng Sariling Negosyo! - The Daily Sentry


Kahanga-hanga! Isang Grade 10 Sudent, May-ari na ng Sariling Negosyo!



Photo credit to PIO Asingan | Facebook

Isang kahanga-hangang storya na naman ang pumukaw ng atensyon ng netizens at ngayon nga ay trending na online.

Ito ay ang kwento ng 15 years old at grade 10 student na si Antonio Colcol III o mas kilala sa nickname na Dondon, na kahit bagets pa lamang ay may-ari na ng sariling negosyo.

Sadyang nakakainspire nga naman na malaman na sa kanyang murang edad ay naitayo na niya ang sariling gotohan na tinawag niyang "Dondon's Goto, Ang Essential Na Goto" na matatagpuan Barangay Calepaan, Asingan Pangasinan.



Photo credit to PIO Asingan | Facebook

Photo credit to PIO Asingan | Facebook

Ang puhunan niya raw diumano rito ay mula sa kanyang sariling inipong allowance at ang masarap na goto ay mula rin sa kanyang sariling timpla, na siya mismo ang nagluluto. 

Kaya naman buong pagmamalaking ibinahagi ng 'PIO Asingan', Facebook page ng kanyang lungsod, ang buong kwento ni Dondon upang magsilbing inspirasyon sa lahat, lalo na sa kabataang tulad niya.



Photo credit to PIO Asingan | Facebook

Photo credit to PIO Asingan | Facebook

Narito ang buong Facebook post:

"GRADE 10 STUDENT, MAY ARI NA NG NEGOSYO

Sa iba't ibang panig ng mundo, kapansin-pansin na pabata ng pabata ang nagtatagumpay sa pagpasok sa negosyo at umaasenso, yumaman dahil sa sarili nilang diskarte'.

At kung diskarte lang naman ang pag uusapan, hindi papahuli ang Grade 10 student mula Asingan Pangasinan na si Antonio Colcol III o mas kilala sa palayaw na Dondon.

Isa lamang siya sa mga patunay na walang pinipiling edad ang pagnenegosyo.

Sa edad kasi niyang labing lima, siya na ang nagpapatakbo ng sariling negosyo, ang Dondon's Goto Ang Essential Na Goto.

"Naisip ko pong mag-business kasi wala din po akong ginagawa para meron naman po akong maitulong sa pamilya ko hindi lang po ako yung humihingi ng pera. " ani Don Don.


Mayo ng taong ito binuksan ang kanyang gotohan at simula noon ay binabalik-balikan ng kanyang customers ang kanilang Lugaw Bone Marrow at Barbeque Mushroom sa halagang 60 to 80 pesos.

"Ako lang po talaga wala pong nagturo sa akin ang sabi po ni kuya kung gusto ko magbusiness magtayo ako ng lugawan/gotohan sabi niya. Gumawa daw po muna ako ng sarili ko na timpla, iluto ko at ipatikim ko sa kanya tapos pag pumasa sa kanila, saka po itatayo ang business ko."dagdag ni Don Don.

Si Dondon ay bunso sa tatlong pagkakapatid. Tatlong taong gulang pa lamang siya ng nagkahiwalay ang kanyang mga magulang. Ngunit hindi ito naging hadlang upang lumaban sa hamon ng buhay.

"Sila po yung inspiration ko, ayaw ko pong iparamdam sa magiging pamilya ko in the future yung naranasan ko sa family ko ngayon kaya po ako nagbubusiness ng ganito. Naisip ko po ang gusto ko kasing mangyari sa buhay ko at the age of 25 to 30 po stable na po ang kita ko, gusto ko po kasi in the future meron po akong oras para sa family ko, may oras po ako sa mga gusto kong gawin kaya sina-sacrifice ko po yung oras ko ngayon para po sa future ko." kwento ni Don Don.

Sa kasalukuyan ay nag aaral si Don Don sa Panpacific University North Philippines at pangarap niyang maging professional basketball player balang araw.

"Gusto ko pong magbusiness talaga connect po sa sports ko -basketball po, gusto ko pong magbusiness ng sapatos, basketball accessories, pero sinabi po ng kuya ko kailangan kong magsimula muna sa maliit na business and kaya sinimulan ko po muna sa lugaw para malaman ko kung paano magpatakbo ng manpower, stocks, para matutunan." saad ni Don Don.

Ang Dondon's Goto Ang Essential Na Goto ay bukas araw araw mula alas sais ng umaga hanggang alas otso ng gabi at matatagpuan sa Zone 5, Barangay Calepaan, Asingan."