Estudyante, mangiyak-ngiyak nang makatanggap ng laptop mula sa fundraiser ng kanyang dating guro - The Daily Sentry


Estudyante, mangiyak-ngiyak nang makatanggap ng laptop mula sa fundraiser ng kanyang dating guro



"'Di na po ako lalabas sa gabi para lang makigamit ng laptop."

Ito ang nasabi ng isang 21-year old na estudyante habang mangiyak-ngiyak matapos siyang regaluhan ng dati niyang teacher ng laptop na kanyang magagamit sa online class.
Chrisken Simule / Photo credit: Melanie R. Fugueroa

"Nag-PM po kasi ang friend ng kapatid niya sa akin, humihingi po ng ayuda dahil natanggal sa trabaho and mga magulang niya dahil sa pandemic," kwento ni teacher Melanie R. Fugueroa.

Ayon sa Philippine Star, nang bisitahin ni teacher Melanie si Chrisken Simule sa kanilang bahay, nalaman niyang lumang cellphone ang gamit nito at nakiki-connect lamang sa wifi ng kanilang kapitbahay tuwing aattend ng online class.

Tuwing may mga assignments o exams ay lumalabas pa ng kanilang bahay si Chrisken kahit gabi na upang hiramin ang laptop ng kaklase. 
Chrisken Simule / Photo credit: Melanie R. Fugueroa
Chrisken Simule / Photo credit: Melanie R. Fugueroa

Kaya naisipan ni teacher Melanie na magsagawa ng fundraiser.

Nakalikom ang guro ng P40,000 upang makabili ng laptop para sa dati niyang estudyante.

"Mga ka batch ko po sa highschool, mga former students ko po ang nag ambag-ambag. Actually, sila po mismo ang nag message sa akin na gusto nilang mag-pledge," kwento ni Melanie sa Philippine STAR.
Chrisken Simule / Photo credit: Melanie R. Fugueroa
Chrisken Simule / Photo credit: Melanie R. Fugueroa

Walang kamalay-malay si Chrisken sa ginawang fundraiser ni teacher Melanie kaya sobrang nagulat at nasurpresa siya ng matanggap ang laptop.

"Naiyak po siya, di niya daw po ma-express ang kanyang nararamdaman. 'Maam, di na po ako lalabas sa gabi para lang makigamit ng laptop. Marami pong salamat sa inyo at sa mga sponsors po,' iyan po ang sinabi niya sa akin," sabi ni Chrisken.


***