Emosyonal na liham ng isang titser sa kanyang "favorite student" binaha ng luha at pakiki-simpatya! - The Daily Sentry


Emosyonal na liham ng isang titser sa kanyang "favorite student" binaha ng luha at pakiki-simpatya!



Lahat tayo ay dumaan sa pagiging mag-aaral, kung saan alam natin lahat ang hirap at pagpupursigi na kailangan gawin upang tayo ay makapagtapos ng ating pag aaral.

Bukod sa ating pamilya, ay nariyan ang mga gur0 na nagsilbing pangalawa nating magulang at naging gabay upang marating natin ang rurok ng tagumpay.




Saksi sila sa ating mga pagsusumikap, kaya naman isa sila sa mga nagiging sobrang proud at nagpupunyagi tuwing tayo ay makakatapos o makakakuha ng pasadong marka.

 Josephine Lanceta Ulitin | Facebook


Ngunit isa rin sila sa mga lubos na nalulungkot at nasasaktan tuwing may mamamaalam na estudyanteng labis na naging malapit sa kanila at isa sa mga nagsilbing inspirasyon upang sila ay mas maging mabuting titser.

Josephine Lanceta Ulitin | Facebook


Isa na rito si Josephine Lanceta Ulitin, marami ang nakisimpatya nang emosyonal niyang ibinahagi sa kanyang Facebook account ang mga salitang nais sana niyang maiparating sa kanyang estudyante na si Loyd Jerome Conde. May medical condition umano ito at tuluyan ng binawian ng buhay sa mismong araw ng kaiyang "moving up ceremony".

Narito ang mensahe ni Josephine:

Josephine Lanceta Ulitin | Facebook


"Ito na yata ung GREATEST HEARTBREAK ko in my 5 years as a teacher" (crying emoticon)

"Wala akong favorite student, kasi gusto ko fair sa lahat, maliban sayo anak Loyd Jerome Conde ... sayo lng ako nagkaroon ng favorite, at alam ng lahat ng mga kaklase mo un.. Sobrang special ka samin... tanggap nilang iba ko pagdating sayo... Sa loob ng 1 taon sa face to face class last year, wlang ni isang nkapamb*lly o nakasakit sau kasi alam nilang lahat na magwawala tlga ko sa room pag ikaw ang kinanti nila, pero kahit hindi ako magalit, nakita ko anak na minahal at tinanggap ka ng lahat ng kakaklase mo..."

"May medical condition ka pero gustong gusto mo mkapagtapos... Tandang tanda ko nun, ililipat ka sana ng ADM pra sa bahay ka n lang mg aaral pero ayaw mo kc sabi mo masaya ka sa room, tapos ililipat ka sana ng section kc 4th floor ung room natin, naaawa aq sa pag akyat baba mo pero sabi mo"

"ayaw mo kc gusto mo ako teacher mo"

"Gusto mo lagi pumapasok kahit may sakit ka... Mahina ung katawan mo kya sabi q hindi ka na kasali sa cleaner, pero pag uwian nakikita kitang nauuna pang maglinis..."

"Kanina, habang nanunuod ng virtual moving up, ang dami sa kaklase mo na honor ngaun pero iba ung saya ko nung nakita ko ung pangalan mo.. ikaw nga lang ung binati ko ng special sa GC natin kc anak tandang tanda ko ung sinabi mo sakin na gusto mong makagraduate, kya ang sakit sakit anak na sa mismong araw ng graduation mo ay iniwan mo na kami..."

Loyd Jerome Conde | Facebook


"Rest in God's Paradise nak, dun wla ng païn, Sana sa huling taon mo ng face to face class last year ay nparamdam namin sayo na mahal at tanggap ka namin kahit anu ka pa... Sobrang Proud ako sayo anak.. Mahal na mahal ka namin ng buong Bonifacio Family mo...."

Damang-dama ang emosyon sa mga katagang binitawan ni titser Josephine, kaya naman marami ang ang nagparating ng pakikiramay dito at sa magulang ng namayapang mag-aaral.

Hindi man nabiyayaan ng mahabang buhay si Loyd, naging inspirasyon pa rin siya sa karamihan, na magpatuloy lang sa kanilang mga pangarap sa abot ng iyong makakaya.

Dahil kahit ano pa mang balakid sa buhay ang sa ati'y humadlang, kaagapay mo ang Diyos sa pagtupad nito at sa dulo, ika'y magtatagumpay.

Josephine Lanceta Ulitin | Facebook