Daga na nakapasok sa isang ATM machine, nginatngat ang lahat ng pera sa loob nito. - The Daily Sentry


Daga na nakapasok sa isang ATM machine, nginatngat ang lahat ng pera sa loob nito.



Ang daga o mas kilala bilang "mabait" ay isa sa mga itinuturing na peste sa ating mga tahanan maging sa mga malalaking sakahan.

Sa hilig nitong magkaluskos at gumamit ng ngipin para ipangkaskas sa isang bagay, ay marami rami na rin itong nasira importanteng gamit, pagkain at mga pananim sa bukid.




Ngunit bukod sa lahat ng ito ay ang isang malubhang sakit na maaring makuha sa ihi nito.

Kaya naman hindi na nakapagtataka ang ginawa ng isang daga o bubwit na ito sa loob ng isang automated teller machine o ATM sa bansang India.

Inireklamo ng ilang mamamayan sa lugar ang problema sa atm na ito kung saan ay ilang araw ng "out of order" at ayaw maglabas ng pera ang makina.


keulisyuna.com


Kaya naman inasikaso ito ng mga itinalagang mang gagawa ng nasabing machine.

Laking gulat na lamang ng mga ito ng sumambulat sa kanilang harapan ang mga nagkapira-pirasong pera sa loob ng nito.

Tinatayang ang kabuuang halaga ng mga nasirang kwarta ay nasa 1.2 million Indian Rupees o higit kumulang walong daang libong piso sa ating pera.

Habang sinisiyasat ng mabuti ang naging dahilan ng pagkawasak ng mga salapi ay may natagpuang maliit na daga o bubwit ang mga technician ng makina.

keulisyuna.com

keulisyuna.com


At ito na ang tinuturong posibelng salarin sa nangyari sa libo-ibong pera sa loob ng ATM machine.

Hinihinalang ng makapasok ito ay hindi na nagawa pang lumabas at dahil sa gutom ay nagawa na nitong kainin at ngatngatin ang mga kwarta.

Laking panghihinayang na lang ang naramdaman dahil sa tindi ng pagkasira ng mga ito ay napakalabo nang maisalba pa.

Wala ng buhay ang daga nang ito ay matagpuan at tinatayang ilang araw na rin itong na-trap sa loob ng ATM machine.


Photo Credits | Google Images

Photo Credits | Google Images