Lahat tayo ay mayroong pagkain na ayaw o hindi natin gusto. Maaring ito ay dahil sa ating relihiyon, paniniwala o dahil ayaw lang talaga natin ang lasa nito.
Cong. Lucy Torres-Gomez and husband Richard Gomez / Photo credit to the owner
Samantala, sa isang interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kay Congresswoman Lucy Torres-Gomez, ibinahagi nito ang kanyang personal preferences pagdating sa mga pagkain.
Ayon kay Cong. Lucy, hindi raw siya pihikan pagdating sa pagkain, ngunit may mga iilang pagkain siyang hindi kinakakin, isa na dito ay ang manok.
Kwento ng dating aktres, noong bata siya ay mayroon silang alagang kambing, kaya naman hanggang sa kanyang paglaki ay hindi siya kumakain nito.
"There are things I don't eat talaga like kambing. Kasi, we had a pet goat before, growing up. Hindi ako kumakain ng kambing,” saad ni Lucy.
Dahil marami na rin silang alagang manok ngayon, hindi na rin siya kumakain ng manok.
"And then kung gaano ko ka-love ang chicken, ngayon hindi na ako kumakain ng chicken."
Wala raw kinalaman ang kanyang pagda-diet sa hindi niya pagkain ng kambing at manok.
Sa Instagram account ni Lucy ay makikita kung gaano niya kamahal ang kanilang mga alagang hayop. Madalas niyang ibida ang mga manok ng kanyang asawang si Richard Gomez.
At dahil malapit ang kanyang loob sa mga manok ay tinawag niya itong “stars” ng kanilang tahanan.
Sa lawak ng kanilang tahanan ay may iba’t ibang uri ng hayop ang meron sila, para na raw silang may malaking pamilya.
"Kasi ang dami niyang mga hayop, oo. At saka, magkaibigan lahat ng nga hayop niya. Nagsimula lang iyan sa dalawang bao, dalawang turtle.”
"And now, may gansa, may turkey, may manok, may baboy. Minsan pa may bayawak,” kwento ni Lucy.
"Minsan, sabi ko, 'Honey, please. Huwag lang unggoy.' Mahilig talaga siya sa hayop. Love na love din niya ang mga aso niya." dagdag niya.
Ang unica hija naman nila na si Juliana Gomez ang nagbibigay ng pangalan sa mga alaga nilang hayop.
Heto ang isang kuwento ng congresswoman (published as is):
"I woke up that morning to find that 7 out of the 9 eggs Mother Hen was nesting for about three weeks now had finally hatched. The cutest creatures —- little chicks, a pale yellow-beige and very noisy bunch. Richard put them in an incubator to keep them warm, like babies.
"We sat down to lunch and I was just thinking out loud how our home felt so much like a farm now, animals roaming freely, fruits & vegetables growing happily. As if on cue, our dog Alexander furiously barged in through the open kitchen and out the dining area. He was chasing a......bayawak.
"A commotion ensued, with the houseboys trying to rescue the poor, stressed bayawak from Alexander’s onslaught. Bayawak goes up and down a low tree, Alexander waits with steely, laser focus. Things settled at one point, the boys were able to pry them safely apart even as they continued to look at each other suspiciously.
"That seemed like enough excitement for a day, or so I thought, until a delivery came just as lunch ended. It was a pot-bellied pig (a gift from Tita Tessie, because her home has over 40 of them). Baby pig is chubby. Cute. Very noisy, too.
"They are like stars in our home now. Family. Juliana and her friends have since given them names. The bayawak is called Britney. The pig now goes by the name Hamlet. And the Mother Hen is Heather."
***
Source: PEP