Photo credit to Emily Dizon | Facebook |
Isang netizen at empleyado sa Mabalacat, Pampanga ang naglabas ng pagkadismaya sa isang car driver na diumano ay hindi nagbayad ng bill nito matapos nagpakarga ng gasolina sa kaniyang pinagtratrabahuhang gasoline station.
Humihingi rin siya ng tulong sa online community na mahanap ang car driver at sasakyan nito na may plate number na CAK2423 upang pagbayaran ang ginawa nito sa kanilang gasolinahan.
At para matanto kung sino nga ang car driver ay ibinahagi ng netizen na si Emily Dizon, ang video kung saan makikita ang mabilis na pagtakas ng driver matapos nitong magpa-gas sa Petron, Tabun Mabalacat.
Photo credit to Emily Dizon | Facebook |
Sa nasabing video makikita ang isang kotse na tumigil sa gasolinahan upang magpa-refill ng 'tank' nito. Makikitang mabilis naman siyang inasikaso ng gasoline staff at kinargahan ang kanyang sasakyan ng gasolina na nagkakahalaga ng mahigit na dalawang libong piso.
Photo credit to Emily Dizon | Facebook |
Ngunit matapos na mapuno ang tangke ng kanyang sasakyan ay mabilis na kumaripas ang kotse at tinakasan ang kaniyang bayad.
Ani Dizon, lahat sila sa gasolinahan na iyon ay nagtratrabaho ng maayos at nagpupuyat upang pagsilbihan ang kanilang mga customers kaya sobra ang kanilang hinanakit na may mga customers na nagagawang manglamang sa kapwa, tulad ng tumakas na car driver.
Kung hindi raw kasi babayaran ng driver ang nakuha nito ay silang mga empleyado na nakaduty ng gabing iyon ang magbabayad ng bill at malaking kawalan iyon para sa kanila.
Photo credit to Emily Dizon | Facebook |
Photo credit to Emily Dizon | Facebook |
Ang post at video ay umani ng napakaraming reaksyon mula sa mga netizens at sadyang marami ang nagpahayag ng galit sa walang modong driver.
Comments from netizens | Photo credit to Emily Dizon, Facebook |
Comments from netizens | Photo credit to Emily Dizon, Facebook |
Panoorin ang video at basahin ang full post sa ibaba:
"Pa help nman po hanapin ang may ari po ng sasakyan nato with Plate #CAK2423 pagtatrabaho po kmi maayos dto sa PETRON TABUN MBALACAT hindi napu kayo naawa ngpupuyat po kmi pra mka pag serve sa inyo tatakbuan nyo pa po mga crew...sna po ang nkakak kilala sa Plate # pu g yan mkpag alam lp kau dto sa station Petron...around 0115h....pa share po mga fren pra po mkita ng lahat sa halagang 2058.70 kmi po mg babauad nun."