Bukod sa 10M, Manny Pangilinan handang ibigay ang anumang hiling ni Hidilyn! - The Daily Sentry


Bukod sa 10M, Manny Pangilinan handang ibigay ang anumang hiling ni Hidilyn!



Hidilyn Diaz | Manny V. Pangilinan | CTTO

Matapos masungkit ang unang Olympic gold ng Pilipinas, nakauwi na ng bansa ang Filipino pride na si Hidilyn Diaz. Nanalo ang Pinay weightlifter matapos buhatin ang 224 kg sa kanyang final attempt sa weightlifting competition sa Tokyo 2020.

Bukod sa gintong medalya, Nag-uumapaw ang papremyo at grasyang bumuhos para sa kauna-unahang Olympic gold medalist at dahil sa kanyang tagumpay, nasa lagpas P43 million na ang premyo at mga pabuyang cash na matatanggap ni Hidilyn.



Hidilyn Diaz | Photo credit to the owner

Hidilyn Diaz | Photo credit to the owner

Kabilang na rito ang P10M mula sa gobyerno, P10M mula sa San Miguel Corporation, P10M mula sa MVP Sports Foundation, P5M mula sa Siklab Atleta Sports Foundation, P3M mula kay Deputy Speaker Mikee Romero, P2.5M mula sa Zamboanga City Government, at P3M mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Bukod sa cash incentives, makakatanggap din ang Pinay weightlifter champion ng house and lot sa Tagaytay, dalawang condominium units, brand new 13-seater van, lifetime free flights mula sa Air Asia at Philippine Airlines, lifetime free gas mula sa Phoenix Petroleum, at promotion sa Philippine Air Force.



Hidilyn Diaz | Photo credit to the owner

Hidilyn Diaz | Photo credit to the owner

Higit pa diyan, usap-usapan ngayon sa social media ang naganap na pag-uusap sa pagitan ni Hidilyn Diaz at business tycoon at sports patron na si Manny V. Pangilinan na mas kilala sa tawag na MVP.

Sa pag-uusap na ito diumano ay tinanong ni MVP si Diaz kung ano ang laman ng puso niya ngayon at kung ano ang kailangan niya, dahil bukod sa pabuyang 10M na kanyang ibibigay ay handa umano nitong ibigay pa ang anumang hiling ng atleta.



Manny V. Pangilinan | Photo credit to the owner

Ngunit sa dinami-dami ng puwedeng sabihin at hilingin, nagpasalamat lamang si Hidilyn sa lahat ng tulong ni MVP at sinabing gusto lamang niyang makasama ang kanyang pamilya na nasa Zamboanga, dahil miss na miss na niya ang mga mahal sa buhay na matagal na niyang hindi nakikita at nakakapiling.

Plano daw kasi sanang niyang umuwi sa Zamboanga para sa kaarawan ng kanyang ina sa Agosto. Ngunit wala pa itong katiyakan dahil sa pag-usbong ng Delta variant ng COVID-19.

Kaya naman, nag-alok na lamang daw si MVP na mag-sponsor ng 'Family Trip" ni Hidilyn papunta rito sa Manila upang makasama ng huli ang buong pamilya. Sasagutin niya ang lahat ng expenses kasama ang lugar kung saan mamamalagi ang buong pamilya upang makapiling ang isat-isa.

Ani Hidilyn at ina nito, hindi nila kailangan ng maraming pera at malaki o bagong bahay. Masaya na sila kung nasan sila ngayon. Sobrang miss lamang daw nila ang isat-isa at ang hiling nila ay magkitang muli at magsama-sama.



SourcePEP.PH