Umantig sa puso ng maraming netizens ang post ng isang netizen na may ngalang Flavio Ang Panday sa kanyang Facebook account. Kung saan pinagbigyan nito ang munting hiling ng isang paslit na mayakap ang kaniyang ama.
Ibinahagi nito sa kanyang social media account ang naging kwentuhan nila ng batang paslit ukol sa mumunting kahilingan nito.
"Sir mamang Pulis... Pwede kopo bang mayakap ang aking papa??? Mis na mis ko napo kasi siya pwede niyo ba siyang palayain na?????" Banggit umano ng chikiting.
Dagdag pa raw nito, ay kung maaaring payagan na raw makalaya na ang kaniyang ama. Ngunit pagpapaliwanag ng pulis na hindi ito maaari at tanging ang mga kinauukulan lamang ang makakapagdesisyon nito.
Larawan mula Flavio Ang Panday | Facebook
Larawan mula Flavio Ang Panday | Facebook
"naku ading hindi kasi pwede eh, husgado kasi ang magpapasya pero sige halika para hindi namamagitan ang rehas sa pag yakap sa iyong papa buksan ko nalang saglit at yakapin mo siya para tugon sa iyong mumunting hiling..."
Sa murang edad ay tila naintindihan naman nito ang paliwanag ng pulis pero ang lubos pa rin nitong ikinatuwa nang mapagbigayan ang kaniyang kahilingan na mayakap ang kanyang tatay.
Laking pasasalamat naman ni batang chikiting kay mamang pulis nang ito ay magpaalam, bitbit ang ngiti sa kanyang mga labi kasama ng kaniyang ina.
Larawan mula Flavio Ang Panday | Facebook
Sa huli, ay nais maiparating ng maunawaing pulis na hindi man maganda ang naging imahe ng iilan sa kanilang mga kabaro, ay mas marami pa rin ang pinipiling magkaroon ng mabuting puso at pantay na pagtingin sa bawat mamamayan.
Ayon sa kanyang panghuling salaysay,
"Matapang naman talaga ang tagapag patupad ng batas ngunit may puso rin at May pakiramdam kami... Kahit anu pa ang nagawa ng taong lumabag sa batas sadya talagang may puso kami at sila na bilanggo ay may karapatan parin kahit bilango at tanging panginoon lang ang magpapasya balang araw pag dumating na ang takdang araw."
Kaya naman magpasangayon ay napakaraming netizens ang nagpapakita ng kanilang paghanga at pagsaludo sa kabutihang loob ni "Flavio Ang Panday"
Basahin ang ilan sa mga papuring komento:
Komento mula Flavio Ang Panday | Facebook
Source: Flavio Ang Panday | Facebook