Ang linis naman! Itinatampok ang binansagang "cleanest wet market" sa Pilipinas. - The Daily Sentry


Ang linis naman! Itinatampok ang binansagang "cleanest wet market" sa Pilipinas.



Dito sa atin sa Pilipinas kapag narinig natin ang salitang "wet market" ay mabilis na pumapasok sa ating isapan ang isang palengke na maputik, makitid at may malansang amoy na kapaligiran.

Ngunit ganito man ang nakagisnan ay marami pa rin ang tumatangkilik na mga mamimili at araw araw na dumadagsa dito.




Pero merong isang palengke sa Pilipinas na tinagurian nga ng karamihan na "Cleanest Wet Market in the Philippines" dahil sa angking linis at kaayusan nito.

Ito ang palengke sa Maramag, Bukidnon na talaga namang kahanga hanga ang ganda at kalinisan.

Kitang kita sa mga larawan na ibinahagi ni Art Thur sa kanyang Facebook account ang kaaya ayang itsura ng palengkeng ito.

Larawan mula Art Thur | Facebook

Larawan mula Art Thur | Facebook


Sa ganitong paraan, tiyak ay marami ang mga mamimili ang maeenganyo na pupunta sa ganitong pamilihan.

Taliwas sa mga nakasanayang hitsura ng pangunahing bilihan ng mga isda, karne at gulay, sino ang magaakala na kaya palang maging ganito kalinis at kaayos ang isang palengke.

Kapansin-pansin din na walang nakakalat na ano mang uri na basurang sa sahig o paligid, kumpara sa ibang mga talipapa.

Larawan mula Art Thur | Facebook

Larawan mula Art Thur | Facebook


Ang pag papanatili ng kaayusan at kalinisan ng Maramag Public Market ay sumasalamin sa pagiging responsable ng mga mamamayan dito.

Bukod sa natatanging taglay ng pamilihang ito, napapanatili din nilang malinis maging ang kanilang palikuran.



Marami ang humanga sa lugar na ito at nagbigay inspirasyon sa mga netizens na kaya pa rin pala natin na magkaroon ganitong maayos at malinis na pamilihan.

Larawan mlua Art Thur | Facebook


Tiyak na isa ito sa mga magiging dahilan para mas maging ligtas at kampante ang ating mga suki sa kanilang mga bibilhin.

Inspirasyon ngang maituturing ang lugar na ito tungo sa patuloy na pagunlad ng isang lugar.

Sana ay maging sa iba pang parte ng Pilipinas ay simulan na ang pagiging disiplinado at responsableng mamamayan para na rin sa ating tuloy-tuloy na kaayusan.

Larawan mula Art Thur | Facebook

Public Photos | Facebook