Photo credit to TOP CARS Manila | Facebook |
Viral ngayon sa social media ang post ng sikat na Facebook page na TOP CARS Manila tungkol sa conflict sa pagitan ng isang first time car owner at sales agent nito.
Sinasabing nagpost daw kasi ang car owner sa isang Facebook private group at pagmamalaking ipinakita ang larawan ng kanyang bagong sasakyan, sabay nagtanong kung saan maaaring makabili ng pinakamurang car matting at seat cover dahil tinipid daw siya diumano ng kanyang naging car sales agent.
"Got my 1st own car last week. Meet my galaxy. San ba pinakamurang CAR MATTING and SEAT COVER diyan? Tinipid ako ng AGENT ko e. Hahahahaha.", post ng car owner.
Photo credit to TOP CARS Manila | Facebook |
At dahil marahil ay miyembro din ng naturang private group ang sales agent ay agad itong nagcomment upang depensahan ang sinabi ng car owner na tinipid siya nito.
Ani agent, hindi niya tinipid ang client at katunayan nga ay wala siyang kinita sa pagiging agent nito dahil sa napakaliit na down payment na binayad na 10 thousand pesos.
Dagdag pa niya na kahit sa 10k down payment ay nagawa pa niya itong bigyan ng freebies na early warning device, payong at keychain na galing na mismo sa kanyang sariling bulsa.
Inamin din ng agent na ginawan niya lamang ng paraan ang approval ng car loan ng client dahil ang salary nito at iba pang dokumento ay hindi pasado sa basic requirement sa auto loan ng kanilang kumpanya. Kanya ding isiniwalat na nanghingi diumano ang client ng 50k sa ama nito ngunit 10k lamang ang dinown sa bagong kotse.

Paliwanag ng agent, lubha diumanong sumama ang kanyang loob sa client ng mabasa ang post nito. Kanya raw kasing ginawa ang lahat para sa approval ng car loan.
Narito ang buong comment ng car sales agent:
"Maam, sorry po sa term na tinipid po. Sa 10k po na dinown po ninyo di ko po kayo tinipid dahil po as in wala akong kita. I gave Early warning Device, umbrella and keychain po came from my own pocket. Regarding sa MATTING, its included. Yung tinatapakan niyo po. Sa approval po, napaapprove ko po kayo kahit ni ID po at COE and yung salary po is way far low pero pinataas ko para lang po maapprove and wala po kayong attachments. You even ask 50k from your father para ipangdown pero 10k lang po ang dinown niyo diba?
Then eto po makikita ko sa group po. Nakakasama lang po ng loob which is ginawa ko po lahat para sa account niyo po. Pero maraming salamat po kahit nailipat mo na sa 30k sa Balintawak and nilipat mo uli sakin ang approval for the sake na makalabas sa down na 10k. Thank you so much po!"
***
Sadya namang nagviral ang post na iyon ng TOP CARS Manila at samut-sari ang reaksyon ng mga netizens tungkol dito. Karamihan ay nagalit sa car owner dahil diumano sa hindi pagpapahalaga sa tulong ng agent sa kanya. Ngunit mayroon ding nagsabing mali ang ginawa ng agent dahil sa pag-expose nito sa nangyaring approval ng car loan ng kanyang kliyente.
Sa ngayon ay mayroon ng 1.1k reactions, 225 comments at 309 shares ang nasabing post.