Palaboy na namamalimos ng pagkain, tinulungan ng may ari ng isang Restaurant pero malaki ang hindi inaasahang kapalit - The Daily Sentry


Palaboy na namamalimos ng pagkain, tinulungan ng may ari ng isang Restaurant pero malaki ang hindi inaasahang kapalit




Screencap photo from Youtube



Isang nakaka-inspire na kwento ang ibinahagi ng isang Restaurant o Cafe owner sa social media, kung saan ito ay tungkol sa isang taong palaboy at walang anuman sa buhay.


Ayon kay Cesia Abigail Baires, isang 25 taong gulang na may ari mismo ng restaurant na Abi's Cafe. Sa hindi nya inaasahang pangyayari ay malaki ang naging pagbabago sa buhay ng taong pulubi na kanyang tinulungan.  *



Ayon sa salaysay ni Cesia, palagian daw nyang nakikita ang taong palaboy na ito na namamalagi sa harap ng kanyang restaurant. 


Halos araw araw din umano ay nanghihingi ang taong ito sa kanya o di kaya ay namamalimos sa kanyang mga customers at mga taong dumadaan sa kalsada.


Minabuti ni Cesia na hindi bigyan ng barya ang pulubing ito, kahit maliit na halaga o bariya lamang ito sa kanya.


Naisip ni Cesia na mas mainam para sa taong ito na bigyan na lamang nya ng trabaho upang sa ganitong paraan ay magkaroon naman ito ng pagkakataon na kumita at maghanap buhay at hindi umaasa na lang sa awa ng iba.



Hanggang sa isang araw, kinausap ng restaurant owner na ito ang pulubi na kinilalang si Marcus at tinanong nya ito kung bakit hindi sya maghanap ng trabaho o ng pagkakakitaan imbes na palagi lamang itong naka abang sa ibibigay na limos ng iba. *



Screencap photo from Youtube


“Why don’t you have a job, Why know nothing is given to me for free, right?” ani Cesia sa lalaking palaboy.


Dagdag pa ni Cesia, kahit daw ang kanyang mga kamag-anak ay nagbabayad sa kanyang restaurant kapag sila ay kumakain dito.


"I told him nothing is given for free here. Even my family pays when they come in here," sabi pa ni Cesia sa lalaki.



Agad namang sumagot ang  pulubi sa kanya at sinabing, kaya wala umano siyang trabaho ay dahil wala daw nagbibigay ng pagkakataon para sa mga katulad niyang palaboy kaya tanging pamamalimos lamang ang kanyang pag asa.


“Well, I have a lot of felonies and no one wants to hire me for that, so now I had to turn myself to the streets and get money the only way I know, stealing and asking for money.” ani Marcus.  *


Screencap photo from Youtube


Dito na nagpasya si Cesia na bigyan ng munting trabaho ang nasabing pulubi sa kanyang restaurant bilang helper dito. Nagkataon naman na kulang sya sa tao noong araw na iyon.


“So I asked him, ‘You want to work? I have a job for you!’ ” kwento pa ni Cesia.


Laking gulat ng pulubi nang marinig nya ang sinabi ng may ari ng cafe, at hindi sya makapaniwala na may taong nagtiwala sa kanya at binigyan sya ng pagkakataon sa buhay.  


“His eyes opened wide and his smile made my day!!!! He said ‘I’ll do anything for some food,'” kwento pa ni Cesia sa kanyang socila media account. 



Mula noon, regular ng pumapasok sa trabaho ang lalaking dating palubi bilang dish washer at taga linis na din ng nasabing restaurant. Naging mabuting trabahador ito at ni minsan ay hindi ito nale-late. *


Screencap photo from Youtube



“So now for almost 2 weeks he been on time for his two hour shift… helping take trash, washing dishes, etc.” sabi pa ng dalaga.


Mabuti ang naging pasya ni Cesia na bigyan ng pagkakataon sa buhay ang mga kagaya ng pulubi, na sa halip ay manghingi sya ay nagkaroon ito ng opurtunidad na mabuhay ng marangal at patas sa buhay.


Labis na ikinatuwa ng mga netizen ang ginawang kabutihang ito ni Cesia sa nasabing pulubi at maging sya ay nakatanggap din ng biyaya dahil sa ginawa nyang kabutihan sa kanyang kapwa.



Ngayong may kakayahan ng bumili ng sarili nyang pagkain ang dating pulubi, sya naman ngayon ang namamahagi ng pagkain sa mga walang wala sa buhay.


“Once I pay him, guess what he does? He buys food from my restaurant (HE DECIDES TO PAY) because it makes him feel good!” dagdag pa ni Cesia. *


Screencap photo from Youtube