Dalawang matandang giniba ang tahanan at ninakawan ng mga gamit, ipinanawagan ng tulong - The Daily Sentry


Dalawang matandang giniba ang tahanan at ninakawan ng mga gamit, ipinanawagan ng tulong



Nananawagan ang isang netizen na sana ay matulungan ang dalawang matandang palaboy matapos umanong ipagiba ang kanilang barong barong at nakawin ang mga gamit.
Photo credit: Xian Bermudez

Kwento ni Xian Bermudez, habang nakatambay siya sa gilid ng Munisipyo pagkatapos kumuha ng Police Clearance ay nakita niya sa gilid sina Tatay Herardo 74 years old at Nanay Jovenciana 71 years old.

Nung manananghalian na raw ay tinawag siya ni tatay Herardo at inalok na kumain.

Tatay: toy kain tayo (with his beautiful smile)
Me: sige lang po tay kain lang po kayo, salamat po

Ani tatay, mahirap raw ang maging pulubi dahil tira-tira lang daw ang kanilang kinakain. Doon na na-curious si Xian kung ano nga ba ang nangyari sa dalawang matanda.

Ayon kay tatay, mayroon daw silang barong barong noon ni nanay ngunit ipinagiba raw ito at lahat ng kanilang gamit ay ninakaw.

Meron daw pong baul si tatay na matagal na nyang tinatago, andun daw po lahat ng mga mahahalagang gamit niya. Pati daw po pinakatago tago po niyang relo at 5,000 pesos ninakaw din. Lahat daw po ng mga gamit nila ninakaw pati bike po niya, isang sakong bigas, mga de lata na tinitipid na nga daw po nilang ulamin ninakaw pa,” kwento ni Xian.
Photo credit: Xian Bermudez

Wala naman raw mga anak ang dalawang matanda kaya wala silang malapitan.

Lumapit na rin daw sila sa barangay patungkol sa nangyari sa kanila ngunit hanggang ngayon ay wala pa umanong nangyayari. Kaya ang gusto ni tatay ay makahingi ng tulong kay Raffy Tulfo dahil tiyak niyang maaksyunan agad ang kanilang problema.

Nangako naman si Xian na tutulungan sina tatay Herardo na makalapit kay Tulfo sa pamamagitan ng social media.

Tay sge po ako po bahala hihingi po tayo ng tulong sa mga facebook friends ko at facebook groups para maiparating po kay sir raffy ang kwento nyo. Magme-message dn po ako sa facebook nya bka sakali mapansin po nya, wag po kayo mag-alala tay gagawan ko po ng paraan pangako po yan,” sabi ng netizen.

Dito na raw naiyak ang matanda at sinabing "napakabait mo naman toy salamat hah ang mga kagaya mo ang magiging successful dahil pagpapalain ka ng panginoon.” 
Photo credit: Xian Bermudez

Binilhan rin ni Xian ang dalawang matanda ng pagkain at tubig dahil galing lang daw sa “gripo sa loob ng cr sa may munisipyo” ang iniinom nila.

Sa huli ay nakiusap at humingi ng tulong si Xian sa mga netizens na sana raw ay matulungan ang dalawang matanda.

“Kaya mga FACEBOOK FRIENDS please po tulungan natin si tatay at nanay. Help me spread this post hanggang sa makarating po kay sir raffy kasi nakakaawa po talaga sila nakakadurog ng puso yung pinagdaanan nilang hirap.

Pakishare po ng post sa timeline niyo at pakipublic po. Pakishare po sa lahat ng mga facebook groups po ninyo.

Tulungan niyo po ako na tuparin pangako ko kila tatay at nanay na iparating ang kwento nila kay sir raffy tulfo para mabigyan po sila ng tulong upang makapagsimulang muli.”

Sa ngayon ay umabot na sa 8.9k reactions at 13k shares ang post ni Xian.

Basahin ang buong post ni Xian sa ibaba:

“Magandang Araw po sa lahat.

June 8, 2021 (kahapon)

Tumambay po ako sa gilid po ng Munisipyo ng Paniqui after ko kumuha ng Police Clearance and then nakita ko po sa gilid sina Tatay Herardo 74 years old at Nanay Jovenciana 71 years old. Andun lang ako nagmomobile games hanggang sa nung manananghalian na sila, si tatay tinawag ako:

Tatay: toy kain tayo (with his beautiful smile)
Me: sige lang po tay kain lang po kayo, salamat po
Tatay: ang hirap ng pulubi toy mga kinakain puro mga tira tira
Photo credit: Xian Bermudez
Photo credit: Xian Bermudez

And then dun na ako nacurious at nagsimulang humaba na dn usapan namin ni tatay tnanong nya ako kng tagasaan ako, lahat na actually tnanong ni tatay about sakin. Tapos ako naman nagtanong kay tatay about sa buhay nila ni nanay, dito na nadurog talaga puso ko 

BASE sa kwento ni tatay herardo... Sila pala ni nanay ay may maliit na barong barong dati. Yung bahay po nila halos hnd na daw po sila magkasya sa sobrang liit. Ngayon po yung bahay daw po nila is pinagiba at lahaaaaat daw po ng gamit nila ninakaw. hindi ko na po natanong kung sino mga nagnakaw pero siguradong demonyo mga taong yun.
Photo credit: Xian Bermudez

Meron daw pong baul si tatay na matagal na nyang tinatago, andun daw po lahat ng mga mahahalagang gamit niya. Pati daw po pinakatago tago po niyang relo at 5,000 pesos ninakaw din. Lahat daw po ng mga gamit nila ninakaw pati bike po niya, isang sakong bigas, mga de lata na tinitipid na nga daw po nilang ulamin ninakaw pa wala pong anak sila tatay at nanay kaya wala po silang ibang malapitan.

Now sabi ko kay tatay magdemanda po sila na ninakaw mga gamit nila, sagot naman ni tatay nagdemanda naman na daw sila dun sa barangay pero hanggang ngayon daw po wala pa ding aksyon. Ngayon po gsto po nila lumapit kay mayor ng paniqui pero nahihiya daw po sila.

At dun na nasabi sakin ni tatay herardo na sana malapit lang daw opisina ni Sir Raffy Tulfo kasi dun daw may aksyon agad pag nagreklamo dahil mahal ni sir raffy ang mga naaapi, ika ni tatay.

Sabi ko "Tay sge po ako po bahala hihingi po tayo ng tulong sa mga facebook friends ko at facebook groups para maiparating po kay sir raffy ang kwento nyo. Magme-message dn po ako sa facebook nya bka sakali mapansin po nya, wag po kayo mag-alala tay gagawan ko po ng paraan pangako po yan"

Dun na nagumpisang umiyak si tatay, sabi nya "napakabait mo naman toy salamat hah ang mga kagaya mo ang magiging successful dahil pagpapalain ka ng panginoon" at dahil malapit at magaan ang pakiramdam ko sa mga matatanda naluluha luha na dn ako kaya umalis muna ako at nagpunta ng 7'11 para bilhan sila ng makakain at tubig na din dahil yung iniinom pala nilang tubig is galing pa sa gripo sa loob ng cr sa may munisipyo sabi ni nanay.

By the way lahat po ng mga gamit nila tatay at nanay na nasa pic bigay daw po yan ng mga taong nakakakita sa kanila pati daw po yang tribike nila at mga lamang gamit binigay daw po yan sa kanila.
Photo credit: Xian Bermudez
Photo credit: Xian Bermudez

Kaya mga FACEBOOK FRIENDS please po tulungan natin si tatay at nanay. Help me spread this post hanggang sa makarating po kay sir raffy kasi nakakaawa po talaga sila nakakadurog ng puso yung pinagdaanan nilang hirap.

Pakishare po ng post sa timeline niyo at pakipublic po. Pakishare po sa lahat ng mga facebook groups po ninyo.

Tulungan niyo po ako na tuparin pangako ko kila tatay at nanay na iparating ang kwento nila kay sir raffy tulfo para mabigyan po sila ng tulong upang makapagsimulang muli.

At sa mga nais naman pong tumulong kila tatay at nanay maaari nyo po silang puntahan dito po sa Munisipyo ng Paniqui sa may gilid lang po sila.
Photo credit: Xian Bermudez

(EDIT)

Para po sa mga gsto puntahan sila tatay at nanay upang magbigay tulong, sabi po ni tatay sakin kahapon dun lang daw po sila sa gilid ng munisipyo pero kapag umuulan na daw po lumilipat daw po sila dun sa kabilang building malapit sa exit gate ng munisipyo sa may ilalim daw po sila ng sss office natutulog pag umuulan.

GOD BLESS po sa lahat ng tutulong kila tatay at nanay.

Diyos na po ang bahala sa inyong lahat."


***