Dahil sa pand*mya ay mas maraming tao ang naghihirap dahil nawalan sila ng trabaho at pagkakakitaan.
Naging limitado rin ang galaw ng mga tao dahil sa mga ipinatupad na safety protocols ng pamahalaan dahilan upang mahirapan ang mga taong dumiskarte sa kanilang pang araw-araw.
Samantala, isang netizen ang humihingi ng tulong para sa kanyang lola na kapapanganak lamang at walang gatas na mapainom sa anak nito.
Kwento ni Lean Javier, nawala umano ng pangkabuhayan ang asawa ng lola niya dahil sa pand*mya. Kaya naman “am” or sabaw ng bigas ang ipinapainom sa sanggol.
Kaya nananawagan si Lean sa mga may mabubuting puso na matulungan sila kahit na sa kaunting paraan lamang dahil kapos na kapos rin sila sa pang araw-araw.
“ako po’y humihingi ng kaunting tulong para sa kanila , sana po matulongan po sila Marlyn Borabo hungihingi ng kaunting tulong para sakanyang mga anak,” pakiusap ni Lean.
Narito ang buong post:
“Hi po , ako po’y humihingi ng unting panahon na basahin po itong aking panawagan sa isang pamilyang hindi makatarungang pang yayari dito sa aming lugar sa isla pulang bato bgry bagong silangan quezon city , kakapanganak lang ng LOLA ko na si marlyn Borabo nitong march lang po at yung asawa nya po ay kasalukoyang walang hanap buhay , gawa ngayong C0V1D-19 , sila po ay kapuspalad nahalos wala na pong pang kain at yung baby po ay nilulutoan na lang ng AM pang palit sa gatas
kami pong mga kamag anakan ay wala pong kakayahan na makapag abot kahit kaunting gatas kahit sa pack lamang po sa kadahilan kahit po kami ay kapus na kapus sa pang araw araw na pangangailangan.
ako po’y humihingi ng kaunting tulong para sa kanila , sana po matulongan po sila Marlyn borabo hungihingi ng kaunting tulong para sakanyang mga anak,
Nag aadvance na po ako sa kagandahang loob nyo po na maraming salamat.”
***
Source: Lean Javier | Facebook