Photo credit to the owner |
Isang anak na nanglilikom ng donasyon at gumawa ng isang 'donation drive' sa social media para sa kanyang amang may sakit, ang naloko at nalinlang ng isang scammer at nakuhanan ng P15,000.
Kwento ng kaawa-awang anak na si Jayvee Buracan, siya ay nanghingi ng tulong online, nanawagan para sa donasyon na salapi para sa pagpapagamot ng kanyang ama na si Ernesto na may sakit sa puso.
Marami naman ang nahabag kay Jayvee at nagpaabot ng tulong para sa kanilang pamilya
at umabot nga sa P15,000 ang kanyang nalikom.
Subalit lubhang mapaglaro ang tadhana at sinubok ang kanilang pamilya ng may isang indibidwal na nagpanggap na magbibigay ng donasyon at nangakong maghuhulog sa kanya ng pera sa Gcash, isang mobile wallet app. Dito raw nagsimula ng manghingi ng mga sensitibong impormasyon tungkol sa kanyang GCash account ang indibidwal na nagngangalang Christian.
Sa sobrang galit at sama ng loob ay ibinahagi ni Jayvee sa kanyang Facebook account ang nangyaring pag-uusap sa pagitan nila ni Christian at kung paano siya naloko nito.
Ani Jayvee, hindi niya raw noon naisip na manloloko pala ang kausap kaya buong pusong nagtiwala siya dito at binigay ang mga detalye na hiningi ng scammer.
"Nabilog niya po ako tapos nakuha niya po sa'kin 'yong mga impormasyon," dagdag niya.